Matapos makalibot sa Mines View Park ay sa Strawberry Farm naman sila dumiretso. Excited agad na bumaba si Roz mula sa van kasama si Zacharias. "Uy Zach oh, naaamoy mo na ba ang mga strawberries?" nakangising tanong nya kay Zach. "Yeah! Strawberries here we come!" nakapikit na sigaw ni Zach at ang mga kamay ay itinaas pa. "Libre mo ko ha? May bayad yata pamimitas nyan eh," aniya kay Zach. "Natural meron. Oo halika na. Ang utak mo talaga, parang hindi kayo sumweldo ni Draco kagabi ha!" ani Zach sa kanya. Napakamot lang sya sa buhok. Tinetesting lang naman nya ito. Pero dahil umoo naman ito sa kanya ay magpapalibre na talaga sya. Napangisi sya at lumingon sa mga kasama nila na nauna ng naglakad sa kanila. Bumayad na si Zach kaya pwede na silang makakuha ng strawberries. Ang mga kasam

