“Ano ba ang pinagsasabi mo? Mabait naman ‘yung tao. Nagkukwento lang naman.” nakairap kong bara sa kanya. Kalanmo natipus sa init ng ulo. “Yeah, Mommy. Sabi mo kakaway ka, ngingitian mo ako. But it seems you are busy with someone else.” nagsalikop pa ng kamay ang anak ko. “Terrence, I'm sorry. Nalibang lang ako sa kwento ng mama.” hinila ko ang kamay ng anak ko saka ko niyakap. “Is that so? Okay, Mommy..” finally, gumanti na rin ng yakap ang anak ko. “That's enough. We need to leave. Traffic na mamaya.” agad namang tumalima si Terrence. Ito talaga ang isa sa katangian na gusto ko kay Terrence. Kaapg usapang magulang, hindi siya namimili. Pareho niya kaming gusto at kung ano ang sa palagay niyang mabuti, sumusunod siya. “Prepare extra food starting today.” habang nagmamaneho, kausap

