“How is your investigation, Vittoria?” untag sa akin ni Derek sa malalim kong pag-iisip. “Ha? Ah, okay naman, so far may result na.” Bigla kong sambit. Nalito ako sa aking sagot. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang i-report ang buong detalye. Nababahala ako, tila may nagsasabi sa isip ko na huwag sabihin dahil pakiramdam ko ay nagsisimula ng magtiwala sa akin si Troyce. Fuck! I am doomed! Hindi kaya gusto talaga akong tulungan ni Troyce upang malinis ang pangalan niya? O baka isang araw, isa na rin akong cold case na kagaya ni Mia Sandoval. Bigla akong kinabahan, nais kong bawiin ang sinabi ko kay Derek. Hinaplos ko ang kanang ibabaw sa taas ng dibdib ko. Tatlong araw na ang aking tattoo doon at masaya ako sa naging resulta. Hindi ito nangangati o nagsusugat man lang. Palibhasa'y

