“Vittoria, will you marry my brother, Troyce?” ulit ni Trevor, nguniti muna ito saka nito inilabas ang isang puting rosas. Napatda ako, hindi ko inaasahan ang ganitong kaganapan. Nanginginig ang kamay ko na inabot ang puting rosas sa inamoy ko iyon, ang bango kaya inamoy ko ulit. “I am not going to get up unless you say yes to my proposal.” paalala ni Treveor sa akin. Kukurap kurap pa ang aking mga mata. What is this? Bakit wala si Troyce, bakit hindi ang mokong na iyon ang nag propose? “Mommy, just say yes already…” bulong ni Terrence saka sinundan ng malutong na hagikhik. Hindi ko alam kung anong klase na pakulo itong naisip nila. Hindi ko alam kung kikiligin ako. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito at higit sa lahat, ‘yung kapatid ang magpropropose para sa aking mapapangasawa ay t

