Pagkatapos maligo ng aking anak, sinamantala ko ang pagkakataon habang naglalaro siya. Pero nagmamadali ako dahil alam kong anytime pwedeng hanapin ako. “Thank you, Troyce. Kaya ko na ang mga ito.” taboy ko sa kanya. Katatapos ko lang patulugin si Terrence habang si Troyce ang nagpatuloy sa pag aayos ng mga gamit namin. Dahil siguro naninibago sa time zone at klima, umiyak ito ng umiyak. Kahit na matalino si Terrence baby pa rin talaga siya pero kung makipag usap parang matanda na. Bukod sa accelerated sa school, paborito din siya ng mga teacher niya sa school dahil sa galing mag-drawing. “Take a rest, Tori. Hindi ba first time mong sumakay ng eroplano? Hindi ka ba naninibago? Jet lag?” Tanong sa akin ni Troyce ngunit hindi naman siya huminto sa ginagawa o tumingin man lang sa akin. Ka

