Nagpupumiglas ako. Hindi ako maka panlaban dahil sa lakas ni Troyce. Simula nang tumigil ako sa pagiging agent, nawalan na ako ng exercise at training. Ni hindi ko na napapraktis ang mga natutunan ko sa field. I gained weight after giving birth. “T-Troyce….” sambit ko ng palayain niya ang mga labi ko pero imbes na bitiwan at lalo lang ako siniil ng halik. Akala yata ay namiss ko siya at gusto ko ang ginagawa niya. Hindi nga ba, Vittoria? “Tell me you missed me, Tori.” gigil niyang sambit habang hinahalikan ako sa puno ng aking tainga pababa sa leeg. “Pwede ba? Ang kapal ng mukha mo! Ikakasal ka na at lahat lahat, kumakalantari ka pa ng may anak na!” singhal ko sa kanya. Natigilan si Troyce. Marahil ay natuhan sa sinabi ko nasapol dahil totoo. Balak pa yata ako gawing kabit ng mokong.

