“Mommy!” umalingawngaw ang boses ni Terrence sa buong kabahayan. Kadarating lang ng anak ko. Daig pa namin ang nasilihan ni Troyce. Nasa kalagitnaan kami na nagpapasarap sa isa't isa sa kwarto. Mabuti na lang at medyo bukas ang pinto at nakagawian ni Terrence ang sumigaw kapag dumarating. Hinahanap niya agad ako. Dali-daling nagsuot si Troyce ng kanyang brief at ako naman ay inayos ang sarili. Nagpanggap akong natutulog kaya hinintay ko na lang na makaakyat ang anak ko samantala si Troyce ay sinalubong siya. “Daddy, is Mommy awake?” dinig kong tanong agad ni Terrence. Kunwari naman ay nagising ako kaya bumangon na rin ako. “I'm awake, baby. How's your school today?” kahit paano nalulungkot ako na na-miss ko ang pagbabalik eskwela ni Terrence. Masaya sana kaming magkasama sa school ku

