“Daddy, why is Mommy so pale in color?” narinig kong tanong ng anak ko. Kakagising ko lang mula sa mahabang pagkakatulog. Pakiramdam ko ay nare-charge ang buo kong katawan dahil sa pagod sa paglalaba. Paglalaba? Ang tagal ko ng hindi naglalaba. Saka ko naalala ang huli kong ginawa kung bakit ako nawalan ng malay. Parang ayaw ko ng imulat ang mata ko sa kahihiyan. Ang rupok ko, parang kasasabi ko lang sa sarili ko na hinding hindi na ako papaisa kay Troyce pero het at nahimatay pa ako sa sarap. Paano pa kung pinasok niya na? Nagpanggap pa rin akong tulog hanggang sa mainip na ang anak ko at mag-aya na lumabas na ng kwarto. Loko din 'tong mokong na si Troyce. Ano ba ini-expect niya na suot ko lang e wala naman akong extra na damit, natural iisipin niyang wala akong kahit na ano sa loo

