Paglabas ko sa malawak na main door, bumungad agad sa mata ko ang malawak na lawn at sa di kalayuan ay isang beach. “Oh my god! Sino ang may-ari ng isla na ito?” bulalas kong tanong sabay hila sa kamay ni Troyce. “Hey, calm down. Slowly, you will trip your foot.” masayang tugon niya sa akin. Aaminin ko, kahit napakarami kong katanungan mas pinili kong i-enjoy ang mood at ambience ng isla. Kung talagang kailangan ako ni Derek, he will look for me. Marami akong katanungan maging sa opisina. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lamang ako ng Boss namin. “Do you like the place?” tanong sa akin ni Troyce. Sa mga oras na ito pakiramdam ko ay napakalambing niya sa akin. Tila nabuhay ang namumuong pagtingin ko kay Troyce na matagal ko ng pinipigilan. “Yes! Siguro kahit dito na lang ako habang b

