Kabanata III

1950 Words
III: Like Isang malaking pagbabago ang nangyari nang hapong iyon. Nang bumalik kami sa room ay magkakasama na ang grupo namin nina Mico at grupo nina Janine kung saan kasama si Janine. She's sentimental. One of the thing I hate the most when it comes to girls. Hindi ko lang alam kung bakit para sa akin ay hindi naman pala nakaka-turn off ang bagay na iyon kung siya iyon. English subject na namin nang bumalik kami sa classroom. Nagtatawanan pa sina Janine at Mian habang inilalagay ang kanilang bag sa upuan. "May tubig ka?" Tanong sa akin ni Mian. Kamalas-malasan nga naman oh! Bakit wala akong dalang tubig! "Wala e," kahit ako ay nadismaya sa sagot ko. Nakita ko ang pagnguso niya, and she's cute when she do that thing. Tiningnan niya si Jaz. "Pre, may tubig ka?" Tanong niya rito. "Ubos na tubig mo?" Tanong naman ni Jaz rito. Nakanguso siyang tumango at dinukot sa bag niya ang kaniyang tumbler, wala na ngang laman iyon. Mabilis kong hiniklas sa kaniya ang kaniyang tubigan. Napalingon naman siya sa akin na medyo gulat. "Papa-refill-lan ko na lang 'to," sambit ko saka mabilis na tinahak ang palabas ng room. Mabibilis ang mga hakbang ko pababa ng naturang building para maabutan ang faculty na nag-bebenta ng tubig. At masuwerte naman ako dahil inabutan ko pang bukas iyon. Nagmamadali naman akong bumalik sa room, at masuwerte rin na wala pa rin ang teacher namin, at naabutan ko pa si Mian na pinupulot ang ilang basura sa kanilang row, habang sina Janine naman ay nasa likod at nagti-t****k yata. "Mian," tawag ko rito habang inaabot ang kaniyang tubig. Mabilis niya akong nilingon ng may ngiti. Tumayo ito at kinuha ang tubig. "Salamat. Magkano 'to?" Tanong pa niya. "Wag na," sambit ko saka kinuha ang basurang nasa kamay niya. My skin touches hers and her skin is downy. It feels like I am touching a cotton balls. Ininom na niya ang tubig at nilingon ang mga kaibigan. Napangiti siya habang pinapanood ang mga ito sa pagsasayaw sa harap ng cellphone. "Bakit ayaw mong samahan sila?" Tanong ko saka naupo sa tabing upuan niya. Nahihiya siyang natawa, "Nakakahiya pero sasabibin ko pa rin. Hmmm, hindi ako marunong sumayaw," pahayag naman niya. Napangiti naman ako at tumango, "Ganoon ba," usal ko. "Uh-hmm, kaya nga never akong sumali sa mga culminating na naganap dito sa school." Kwento pa niya. So totoo ngang dito siya nag-aral? Inakala ko talaga na transferee siya dahil hindi ko talaga siya nakikita o nakasalamuha man lang. O baka naman nagtatagpo ang mga landas namin, ngunit hindi ang mga sarili namin. "Paano ka pumapasa?" Usisa ko naman para lang mapahaba ang aming pag-uusap. "Matt! Nambababae ka nanaman!" Dinig kong sigaw ni Cheska. Narinig ko ang pagtawa ni Mian kaya naman nakatiim-bagang kong nilingon si Cheska. "Nambababae your face!" Singhal ko rito at ibinalik kay Mian ang tingin, "So paano ka nga pumapasa?" Ibinalik ko ang topic. "Uhm, special projects. Tapos binabawi ko sa quizzes, tests, at periodical exam." Saad naman niya. No wonder. Matalino naman talaga siya. "Guys! Wala daw si Ma'am!" Anunsyo ni Erica. "Yes!" Narinig ko ang malakas na palahaw ni Mico. "Woaaah! t****k na!" Sigaw pa ni Janine sa likod. "Tara laro! Invite! Matt, laro tayo!" Tawag pa sa akin ni Arthur tapos ay tumayo ito sa kinauupuan at naglakad palapit sa amin at naupo rin sa tabi ni Mian. Tang ina, paano ko naman kakausapin si Mian kung narito ang kolokoy na to. "Wala ako sa mood maglaro pre," matamlay kong sinabi. "Ano bang nilalaro niyo? LOL ba? Panood ako," ani Mian. "Sige-sige," ani Arthur. Sumilip si Mian sa cellphone ni Arthur, napakagat ako sa aking labi at pasiring na nag-iwas ng tingin bago ko dinukot ang cellphone ko. "Mico invite mo ko!" Sigaw ko kay Mico. "Guys! Pwede naman kayong mag-usap nang hindi nagsisigawan," saway sa amin ni Erica na kunot na ang noo. "Bakit ikaw, pwede namang manaway ng hindi naninigaw ah?" Singhal ko rito. "Bakit makikinig ba kayo kung kalmado akong mananaway?" Umirap pa si Erica. "Oh away na lang oh! Pustahan, kay Matt ako!" Si Ella na nakikisali na sa ingay. "Tumigil na kayo!" Iritadong saway ni Erica. "Si Erica kunwari pa, ayaw na lang sabihin na gusto ng comeback." Bulalas naman ni Mico, "Tang ina mo Matt! Accept na gago!" "Comeback with Matt? Di na lang. Magsama sila ng babae niya," sambit naman ni Erica. Napabaling ako sa cellphone ko at in-accept ang kaniyang invite. "Hoy! Anong babae sinasabi mo diyan?" Singhal ko rito. "Oh bakit di ba totoo? Babae naman talaga ang dahilan ng break up natin diba?" Irap pa nito sa akin. "Hoy! Wala akong babae noon, alam mo yan! Praning ka lang talaga, lahat na lang sayo may issue," bulalas ko rito. "Sige, itanggi mo, Matt. Ako pa pagmukhain mong tanga." Ani Erica. Ewan ko kung saan niya nakukuha ang mga bagay na iyon. Cheating isn't my thing. Oo marami akong kaibigang babae at iyon ang dahilan ng pagseselos ni Erica noon. Pero once na may girlfriend ako, hindi ako nanloloko. Kung alam ko namang sawa na ako, ako na mismo ang bumibitaw, kaya lahat ng ex ko iniisip na may iba. Dahil iyon ang tingin nila sa akin. "Ang sweet," bulong ni Mian na katabi ko. Napalingon ako sa kaniya, "Sweet ang alin?" "Kayo ni Erica," sagot niya. Kumunot ang noo ko at umiling. "Sweet? Kadiri," sambit ko. Tinampal ni Mian ang braso ko, "Ang sama mo. Ex mo naman 'yan ah," aniya. Natatawang umiling ako. "Marunong naman akong tumanaw ng pinagsamahan pero yung ganiyan na ako pa pagmumukhaing masama sa aming dalawa? Nakakabadtrip," sambit ko. "Bitter lang talaga yan," tawa naman ni Arthur. "Baka naman nasaktan mo lang talaga siya? Try mo siyang kausapin, yung masinsinan malay mo naman malinawan kayo pareho?" Suhestyon pa sa akin ni Mian. Umiling na lang ako. "Wag na lang. Knowing Erica, she's close minded," saad ko. "Hindi naman mawawala sa tao yun eh," bulalas ni Mian habang nakatingin sa cellphone ko, "Kailangan mong maintindihan na sa buhay may mga taong makakaintindi sayo, may taong hindi. May taong nananahimik, at may tao na madaldal. May tao na open minded may tao ring close minded. Hindi natin sila dapat basta-basta hinuhusgahan, kasi lahat tayo may pagkakaiba," dagdag niya habang nanonood sa akin sa paglalaro. Wala na ako sa wisyo, halos hindi ko na narinig ang mga sinabi niya. Ninenerbyos na ako dahil titig na titig siya sa mga kamay ko na pindot nang pindot sa aking cellphone. Mabilis ang panahon, naging malapit kami ni Mian at ng mga kaibigan niya. Gayundin ang mga kaibigan ko, nakakabiruan na namin ang mga ito at nakakasama sa kung ano-anong katarantaduhan. Iyon lang ang talagang nagustuhan ko sa kanilang magkakaibigan. Lahat ng trip namin ay sinasakyan nila, mga open minded silang magkakaibigan. Kung alam ko lang na nag-e-exist ang ganitong klase ng magkakaibigan sana noon ko pa sila hinanap. Nakakatuwa lang na hindi nila hinahayaan na kami-kami lang nina Mico ang mag-gaguhan, nakikisali sila hanggang sa nagiging sentro na kami ng atensyon sa room. Madalas na bad trip sa grupo namin si Erica na siyang saway nang saway sa amin. Hindi ko alam kung bakit ba galit na galit grupo namin ang babaeng yon, ni hindi nga namin sila pinakikialaman kapag sila ang maingay. Isang beses na nagbibiruan kaming walo sa likod at ang topic ay malalaswang bagay, biglang tumawa ng malakas si Mian. Wala kasi siyang kaaalam-alam kaya tawa siya nang tawa. "Hoy! Yang grupo niyo diyan sa likod ang laging maingay! Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa?!" Biglang pananaway sa amin ni Erica. Napapahiyang napatigil si Mian sa pagtawa. Ngingiti-ngiti siya pero halata sa mga mata niya na napahiya siya sa sinabi na iyon ni Erica. "Sorry," nakangiting ani Mian. Umirap sa ere si Erica nang hindi na nakatingin si Mian sa kaniya. "Kababaeng tao kung makatawa akala mo yung chismosa sa kanto!" Singhal pa nito. Narinig iyon ni Mian. Napawi ng unti-unti ang kaniyang ngiti. Saka pilit na ngumiti at tumungo. "Hoy, sumusobra kana," saway rito ni Jade. Inunahan ako punyeta. "Anong sumusobra? Nananaway lang ako ah, bakit siya lang ba sinaway ko?" Asik naman ni Erica habang salubong ang kilay. Tang ina, sino naman ang niloko niya? Halata namang si Mian ang tinutukoy niya dahil si Mian ang may pinaka malakas na tawang pinakawalan. "Si Mian lang naman tumawa ng malakas ah?" Nagsalita na ako. Inirapan ako ni Erica, "Shut up Matt. I am not talking to you," sikmat pa nito sa akin. "Yes. But you just insulted my friend and you expect me to keep on sitting here?" asik ko naman rito. Tumaas ang kaniyang kilay, "Pasalamat ka nga di ikaw ininsulto ko," sa halip ay tugon nito. "So inaamin mo? Si Mian nga sinabihan mo non?" Iritadong bulalas naman ni Janine na nakatiim bagang na rin. "Kung tinamaan siya e'di siya," ani Erica. Naikuyom ko ang panga ko, tiyak ko na kung hindi babae si Erica baka nabato ko na ng upuan to. "Gaga ka pala eh!" Agad na asik ni Janine at akmang susugurin na si Erica ngunit pinigilan ito ni Mian. "Tama na. Maliit na bagay lang 'yon. Tama naman siya hindi lang ako ang sinaway niya," utas ko. "Oh see?" Umirap si Erica at naupo na sa upuan niya. Nag-angat naman ako ng tingin kay Mian at tinanguan lang ako nito saka bahagyang ngumiti. "Hindi away 'to, away!" Sulsol pa ni Mico na tawa nang tawa. "Isa ka pa Mico! Tumahimik kana lang diyan," sumigaw si Ella. "Nyenye, pabibo talaga to!" Asik naman ni Arthur. "Basta officer pabibo," sigaw naman ni Jade. "Tama na 'yan, tama na..." mahinahong saway sa amin ni Mian. Huminga na lang ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili. Dahil kahit ako magagalit ako sa tinuran na iyon ni Erica. Okay lang namang manaway, pero huwag naman sana siyang mamahiya ng ganoon. Uwian na at sabay-sabay kaming magkakaibigan na bumaba at lumabas ng campus namin. "Bye," kumaway sa amin si Janine at bumeso kay Mian. "Bye rin," ani Mian at bumeso rin dito. Naiwan kaming dalawa ni Mian. "Ikaw? Di ka pa uuwi?" Tanong nito sa akin. "Ikaw ba? Hatid na kita sa sakayan," sambit ko. Tumawa siya at umiling. "No need Matt. Susunduin ako ni dad," sambit niya naman. "Hmm, ganoon ba? Hintayin na lang natin yung sundo mo bago ako uuwi," I insisted. Napatango naman siya. "Okay, sabi mo eh." Aniya. Sumandal kaming pareho sa pader ng naturang shed. Ilang saglit kaming hindi nag-iimikan at pinapanood lang ang ilang estudyante na dumaraan. "Bakit nga pala hindi mo pinatulan si Erica kanina?" Ako na ang unang nagtanong. Nilingon naman niya ako, "Tulad nga ng sabi ko sayo nung nakaraan, hindi lahat kaya tayong intindihin, hindi lahat kaya nating kontrolin. Kaya hinayaan ko na," saad niya. "Paano kung sumusobra na talaga siya?" Tanong ko pa. "Hindi ko alam, dahil wala pa naman ako doon sa sitwasyon na talagang sumusobra na siya kaya hindi ako makapagsalita ng tapos." Sambit naman niya. Kakaiba talaga ang pag-iisip niya. Kung may isa man akong hahangaan sa kaniya ay iyong paraan ng pag-iisip niya. "Hanga rin ako sayo huh. Hindi lahat katulad mo na kayang palampasin 'yung mga bagay na gano'n," sambit ko. "Fighting over nonsense thing isn't my thing, Matt. Bakit naman ako makikipagtalo sa kaniya kung alam ko namang hindi totoo," sambit pa niya. Napangiti ako, and I guess I am starting to like her. I think I am liking her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD