NAGING madalang na ang pag-uwi ni Tristan dahil mas naging busy na ito sa pag-aaral. Ang noon na lingo-lingong uwi nito ay naging buwanan na, hanggang sa kada semester na lang ito umuuwi.
Lungkot na lungkot siya dahil miss na miss niya na ito pero wala siyang magawa. Tinutukan niya na alang ang pag-aaral para naman makakuha siya ng mataas na grade at payagan siyang sa Manila na rin mag-aral kung saan nag-aaral si Tristan.
Ang kaso hindi siya pinayagan ng Mommy niya. Bakit pa raw siya lalayo kung may University naman sa bayan nila. Iniyakan niya iyon. Asang-asa kasi siya nakapag grumaduate siya ng senior high makakasama na uli niya si Tristan sa isang eskuwelahan.
Mas lalo pa siyang naiyak ng makalipas ang isang taon at si Sunny naman ang maka-graduate at payagang makapag-aral sa University kung saan nag-aaral si Tristan.
Masama ang loob niya. Isispin niya pa lang na magkakasama sina Sunny at Tristan ay selos na selos na siya. Araw-araw na magklikita ang dalawa panigurradong mas lalalim ang ugnayan ng mga ito na ikinatatakot niya.
Dumating ang graduation ni Tristan may hinandang party para kay Tristan. Muling nagkakulay ang mundo niya. Darating si Tristan at muli na anamn niyang makikita ng personal. Tanging sa social media na lang kasi niya ito nakikita, doon na lang din siya nakikibalita at paminsan-minsan at kay Tita Bianca.
"Tumulong siya para sa graduation party ni Tristan. Mamayang gabi ang dating nito kasama ang mga magulang. Hindi nito alam na may inihanda para dito ang alam lang nito ay may munting salo-salo.
Excited na excited siya. nang matapos niyang gawin ang cake na para kay Tristan ay nagmaamdali siyang nagpunta sa parlor para magpa-hot oil at magpa-pedi at mani. Gusto niyang magandang-maganda siya kapag nakita siya uli ni Tristan.
"NANDIYAN na sila!" impit na tili ni Ate Melba.
Nakapatay ang ilaw at nag-ipon sila sa isang sulok sa sala para magtago. Kumpleto ang mga barkada ni Tristan. Narito rin si Tere at ilang classmate ni Tristan noong senior high.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Inayos-ayos niya ang buhok. Pumuwesto siya sa unahan para siya ang unang makikita ni Tristan pag pasok nito. Hawak niya ang party popper. Nagbumukas ang ilaw at bumaha ang liwanag dalawa sila ni Tristan ang nagulat. Hindi niya tuloy napaputok ang party popper. Natulala siya sa babaeng kasama ni Tristan. Si Sunny.
Mas lalong gumanda at mas naging sopistikada. Gaya ni Tristan hindi niya na rin masyadong nakikita nag kapatid. Ni hindi niya nga ito inaaccept sa f*******:. Insecure na kung insecure pero ayaw niyang nakikita ang mga litrato ng kapatid sa social media dahil kinakain siya ng insecurities niya.
Sikat ang kapatid niya dahil may sarili itong vlog at rumarampa rin ito para sa ilang kilalang brand dito sa Pilipinas. Ang layo-layo niya kumpara kay Sunny. At ngayong nakikita niya ito katabi si Tristan kumikirot kasi ang puso niya dahil bagay na bagay ang dalawa.
"Uy, Amelie, natulla ka na diyan?" bulong sa kanya ni Kuya Travis na kaakbay si Tere na ngayon ay kasintahan na nito. Siniko pa siya ni Kuya Travis. Napakurap-kurap naman siya. ngayon niya lang napansin na sa kanya na pala nakatingin ang ibang tao roon. Dahil sino ba sa mga naroroon ang hindi nakakaalam kung gaano siya kabaliw kay Tristan? Malamang na natatawa ang mga ito sa kanya.
"Yey!" aniya. Walang buhay at saka pinaputok ang party popper kahit tapos na. Binuntutan niya iyon ng tawang wala ring buhay.
Naramdaman niya namang may umakbay sa kanya nang tingalain niya iyon ay ang nakangiting mukha ni Drake ang sumalubong sa kanya.
"Lutang na naman to si Amelie, gutom ka na no?" anito. "Kainan na!" sigaw nito saka giniya siya papunta sa buffet na inihanda nila. DAhil naman doon ay nawala na sa kanya ang atensiyon ng mga tao.
"Official na ba ang kapatid mo at si Tristan?" bulong sa kanya ni Tere na kasama niyang kumukuha ng pagkain. Si Kuya Travis kasi ay nakikipag usap sa ibang mga kakilala nitpong dumating.
"Ewan," sagot niya. Ngayon niya napagsisisihan kung bakit hindi niya ini-stalk ang kapatid.
"Mukhang sila na pero ayaw lang umamin. Tignan mo oh, kung magtinginan ang lagkit-lagkit..."
Tinignan niya rin sina Tristan at Sunny na magkatabi sa isang mesa kasama ang ibang barkada ng mga ito. Dikit na dikit ang mga ito na halos wala ng espasyo sa gitna. Halos subuan din ito ni Tristan ng pagkain.
"Siguro natatakot siyang umamin dahil mananagot siya kay Daddy," aniya kay Tere. Mahigpit kasing bilin ng Daddy nila na hindi sila puwedeng mag-boyfriend hanggat hindi sila nakaka-graduate ng college. At dahil pareho sila ni Sunny na Daddy's girl sinusunod nila iyon.
"Baka nga... maiba pala ako, nanliligaw ba sa'yo si Drake?"
Nangunot naman ang noo niya sa tanong ni Tere sa kanya. "Nanliligaw? Si Drake? Sa akin?"
Tumango lang ito dahil hindi makapagsalita. Ngumunguya na ito ng lumpia.
"Hindi ah!" natatawang tanggi niya. May mga ilan na ngang nagtatanong kung nanliligaw ba sa kanya si Drake. Sa iisang University kasi sila nag-aaral ni Drake. Ito lang ata sa mga magbabarkada ang nanatili dito sa bayan nila at hindi nag-aral sa Manila. "May jowa yon! Yung taga PolSci," aniya. Natatawa. Hindi niya kasi ma-imagine na magkaakgusto sa kanya si Drake.
Oo nga at hindi na sila parang aso at pusa, medyo naging close na rin sila pero katulad ng nararamdaman niya kay Kuya Travis parang isang nakakatandang kapatid lang ang turing niya kay Drake, at sa tingin niya naman ay ganoon din ito sa kanya.
Nagkibit-balikat naman si Tere. "Sabi mo e," anito.
Naiiling na hindi na lang din siya nakipagtalo kahiy pa gusto niyng ipagpilitan na hinding-hindi siya liligawan ni Drake. Ang gaganda kaya ng mga nali-link kay Drake. Noon kasi asar siya kay Drake kaya hindi niya naa-appriciate na guwapo naman din ito katulad ni Tristan, hindi rin papahuli kung physical na aspetyo ang pag-uusapan. At ang mga kagaya niya hinding-hindi papatusin ni Drake. Mahilig iyon sa mga sosyal kagaya ng mga kapatid niya. Ang alam niya nga ang bagong girlfriend ni Drake ay isang modelo na ataga kabilang bayan.
Sinalubong sila ni Kuya Travis at kinuha nag hawak ni Tere at inalalayan pa ang kaibigan niya sa paglalakad. Minsan naiinggit siya sa kaibigan niya, kitang-kita niya kung gaano ito kamahal ni Kuya Travis. Hatid-sundo ap ni Kuya Travis si Tere sa school minsan nagseselos na siya kasi madalas ng makasama ni tere si Kuya Travis pero iniisip niya na lang na siguro kung magiging sila ni Tristan baka ganoon din ang mangyari baka mas marami siyang oras para kay Tristan.
Malapit sa puwesto nila Tristan sila naupo. Nagpasalamat na lang siya na hindi sa mismong lamesa ng mga ito sila dinala ni Kuya Travis.
"Okay ka lang ba, Amy?" tanong sa kanya ni Kuya Travis.
Ngumiti siya rito ang tumango. "Oo naman... Ahmm mag-CR lang ako," palam niya sa mga ito.
Tumayo siya at nagtungo sa loob ng bahay pero hindi siya pumasok sa banyo, dumaan siya sa backdoor kung saan may daan patungo sa garden, doon siya nagtungo.
Natigil lang siya sa paghakbang at dali-daling nagkubli ng makita niya si Sunny at Tristan na nasa di kalayuan at magkayakap.
"Kailan mo ba ipapaalam sa mga magulang natin na tayo?" tanong ni Tristan kay Sunny.
Daig niya pa ang nasampal sa narinig. Masakit pala talaga ang katotohanan. Pakiramdam niya kasi parang nilalamukos ang puso niya.
"Di'ba napag-usapan na natin to? After college puwede na nating sabihin sa lahat."
"And it's two years from now..."
"Just, just two year. Mabilis lang naman lumipas ang mga araw."
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Tristan. "Pero tuloy pa rin naman ang paglipat mo sa condo ko, hindi ba?"
"Of course..."
Napatakip siya sa bibig niya. Kung ganoon may balak ng magsama ang dalawa? Nakaramdam siya ng galit. Hindi siya papayag.