Seventeen Ana's POV Hindi naman siya nagtagal kila Tanya, nakipagkwentuhan lang siya sa mga kaibigan niya tapos lang kumain umalis na din siya. Kailangan kasi niyang maggrocery para sa stock nila sa nahay pati na din sa ipapauwi niya sa nanay niya sa probinsya. Nasa loob na siya ng kusina nila ng marinig niya ang busina ng sasakyan ni Benjamin. Hindi naman na niya kailangan na ipagbukas ito ng gate kasi ito na mismo ang nagbubukas para sa kanya. "Ate"narinig niya ang boses ng kapatid niya. "Buboy?"takang tawag niya sa kapatid. Lumabas siya sa kusina at sinalubong niya ang kapatid nakita niya ito kasama ang nanay niya at si Lance, hindi niya inaasahan na kasama ito ni Benjamin na dadating. "Sinundo na kami ni Benjamin sa terminal anak"naisip siguro ng nanay niya ang pagtataka niy

