CHAPTER 4

1386 Words
Pagdating namin ni Marlon sa bahay nakaupo na sa sala ang mga kaibigan ko.Feel at home na sila sa bahay. Sanay na din sa kanila si Mama.Anak na din ang turing sa kanila ni Mama. "Anak nandyan na pala kayo ni Marlon dun na kayo sa sala at ipaghahanda ko na kayo ng makakain ninyong magkakaibigan." bungad sakin ni mama "Sige po Ma salamat po.Bihis lang po ako saglit tutulungan ko po kayo sa kusina." Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko para magbihis.Pagkatapos kong magbihis pumunta na ako sa kusina para tumulong kay mama. Bigla akong natakam nung nakita ko ang mga niluto ni Mama na putahe.Tinolang manok at sinigang na bangus. Mukhang mapapasarap ang kain ko ngayon. Maigi nalang at naiteks ko agad si mama na dito kakain ang mga kaibigan ko at nakapag prepare agad siya since may stock naman kami sa ref.Actually balak ko na talaga silang ayain ditong kumain kaya nakapag sabi agad ako kay Mama. Masaya kaming nagkainan ng tanghalian.Dahil masarap ang ulam halos maubos namin ang sinaing ni Mama sa malaking kaldero namin. Ganito na talaga tong mga kaibigan ko hindi na nahihiya sa bahay.Parang kapatid ko na din sila palibhasa dalawa lang kaming magkapatid at ako pa ang panganay. Ang buhay namin sakto lang hindi mayaman.Hindi rin sobrang hirap. Dahil nagtatrabaho bilang isang supervisor sa isang company dito samin.Nabibili naman niya lahat ng pangangailangan namin. "Tapos na ba kayo?" tanong ni Mama na kagagaling lang din sa kusina "Tapos na po mà kami na po bahala dito.Pahinga kana po." sagot ko. "Sige magpapahinga muna ako sa kwarto.Ikaw na bahala sa mga kaibigan mo nak." "Okay na po kami dito tita kami na pong bahala sa hugasin." sagot ni Jaylyn. Tulong tulong na silang mag hugas ng pinagkainan namin.Habang naiwan kami sa sala ng bestfriend ko. "Uwi kapa ba best?" tanong ko sakanya "Tinatamad na ako umuwi dito nalang ako para malapit sa court may dala na kong bag nasa motor ko.Nandon ang jersey ko." mahabang paliwanag niya "Siya sige magpahinga ka nalang muna sa kabilang kwarto." "Sige best thank you dun muna ako." paalam niya "Sige go." pagtataboy ko dito. Pagkatapos nilang maghugas ng pinagkainan namin nagkwentuhan kami ng kung ano ano.Maigi nalang hindi nila ako tinutukso sa nangyari nung isang gabi. Di namin napansin ang oras alas tres na pala ng hapon.Kaya nagpaalam na sila para umuwi. "Kitakits nalang tayo sa court guys." Mabuti nalang first game ang laro nina Marlon makakapanood ako.Hindi pwedeng gabihin masyado dahil may pasok pa kinabukasan. "Shai dito." agaw pansin sakin ni Yhonice Daming tao ngayon palibhasa unang gabi ng liga sa barangay namin. Tumuloy na ako sa upuan na nilaan sakin ng mga kaibigan ko.Malapit lang ang pwesto namin sa grupo nina Marlon. "Best dito ka muna.Eto bag ko hawakan mo muna." "Sige galingan mo best aa.Huwag mong sayangin ang oras ko sa panonood sayo." "As if naman ako ang panonoorin mo." sabay kindat nito sakin. "Oo nga kuya Marlon si ano naman panonoorin nyan." sabat ni Anna Sinamaan ko nalang ng tingin si Anna.Sinundan ko nalang ng tingin si Marlon na papunta sa kanilang coach hindi sinasadyang nadaanan ng tingin ko si Ronnel na parang may hinahanap.Biglang tumigil ang tingin nito sa katabing direksyon namin kaya sinundan ko ng tingin. Laking dismaya ko ng makita kong si Wena ang tinitingnan nito.May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.. Si wena ang gusto niya. malungkot na bulong ko sa sarili ko. Ano nga naman ang panama ko kay Wena maganda si Wena dahil maputi ito mahilig din ito mag ayos sa mukha.Hindi katulad ko polbos at lip gloss lang okay na ako.Simple lang ako sa sarili ko hindi palaayos hindi rin naman losyang no. Parang medyo nawalan ako ng gana manuod ng laro nila.Tahimik lang akong nanonood ng laro nila. Samantala ang mga kaibigan ko daig pa nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses.Napailing nalang ako habang nangingiti. Sobrang galing maglaro ni Ronnel ng basketball halos walang palya kapag siya ang tumitira ng bola.Swabeng swabe siya gumalaw kaya naman sobrang lakas ng tilian ng mga babaeng nanunuod kapag siya ang may hawak ng bola. "Go tito shoot mo iyan! sigaw ni Yhonice "Ang galing mo talaga De Vera!" sigaw naman ni Anna "I love you bente sais!!" sigaw ni Jaylyn bigala kaming nagkatinginan at nagtawanan. "Nakakagulat ka naman Jaylyn akala ko si Shaira yung sumigaw." natatawang wika ni Mikee " Ako nanaman ang nakita nyo ha." pairap kong sagot. Nakita kong nakatingin sa gawi namin si Junel bago mag shoot ng bola. "Shaira para sayo to!!" sigaw niya. Bigla akong nahiya ng mag tinginan sakin ang mga nanonood.Parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa. Nakita kong umiling habang natatawa si Ronnel. "Type ka niyan ni Junel e.Halatang halata." wika ni Yhonice. " Crush ko pa naman sana." kunway nalulungkot na wika ni Mikee. "Sayong sayo na.Saksak mo sa baga mo." biro ko kay Mikee Sa totoo lang gwapo din naman si Junel kumbaga mas tipo ko lang talaga yung kagaya ni Ronnel.Hindi sa nagmamaganda ako.Hindi naman kase natuturuan ako puso. Char!! Nag time out kaya lumapit sakin si Marlon para mag punas ng pawis.Kaagad ko namang binigay sakanya ang towel niya saka ang mineral water. "Best punasan mo naman likod ko." binigay nito ang towel sakin para tuyuin ang pawis niya sa likod. Kinuha ko naman ito at sinunod siya.Busy ako sa pagpupunas ng pawis sa likod niya ng may tumikhim kaya napa angat ako ng tingin.Nakita ko si Junel at si Ronnel sa harapan ni Marlon. "Shaira baka naman pwede pakipunasan din likod ko." birong wika ni Junel. Agad naman itong binatukan ni Marlon kaya natawa ako. "Tigilan mo bestfriend ko pre.Hindi lang yan ang aabutin mo sige ka." pagbabanta dito ni Marlon. "Hindi ko naman siya lolokohin bakit ba." sagot naman ni Junel sabay kindat sakin kaya napataas ang kilay ko sakanya. "Tigilan mo nga ko Junel.Hindi ka nakakatuwa." seryoso kong wika. Bigla akong nabadtrip ng makita kong lumapit si Ronnel kay Wena.Tapos sasabayan pa ng pang aasar ni Junel sakin kaya nanahimik na lamang ako habang nakasimangot. Pumito na ang referee hudyat na tapos na ang time out.Ginulo ni Marlon ang buhok ko bago umalis sabay kindat.Alam na alam nitong badtrip ako. tss ! ginulo pa buhok ko! Nakita kong bumalik na rin sa gitna ng court si Ronnel.Paglingon ko kay Wena abot langit ang ngiti nito.Mas lalo akong nakaramdam ng pagka badtrip.Hanggang sa nawala na ko sa mood manood ng laro nila. Dahil sa pagkabadtrip ko namalayan ko nalang na nagsisigawan na mga kaibigan ko sa tabi ko.Tapos na pala ang game at panalo ang grupo nina Marlon. "De Vera ang galing mo talaga!" sigaw ni Anna Iiling iling nalang ako.Nakita kong papalapit na sakin si Marlon na abot hanggang tenga ang ngiti kaya tumayo na ko. "Best pano ba yan hindi nasayang oras ko.Panalo kami." nakangiting salubong nito sakin sabay gulo ng buhok ko. "Sabi ko nga best ang galing mo.Siya eto na pamalit mo magpalit kana at pawis na pawis kana." pagtataboy ko dito. Mabilis naman itong umalis para magbihis.Habang hinihintay ko si Marlon kinalabit ako ni Yhonice. "Tignan mo si labanos ang landi." nakasimangot niyang wika. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nakita kong inaabutan nito ng tubig si Ronnel.Hindi sinasadyang napatingin sa gawi namin si Ronnel kasabay ng pag irap ko.Kaya medyo natigilan siya.Iniwas ko nalang din ang tingin sakanya. Maya maya pa ay dumating na si Marlon. "Eto na bag mo.Sasabay kaba pauwi?" tanong ko dito. "Pre tara mag inom.Celebrate tayo." narinig kong yaya ni De Vera sakanya kaya muli nanaman akong napairap.. Tumingin sakin si Marlon na parang nasakin ang desisyon.Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige na! huwag kang magpapakalasing ha!" pagtataray ko sakanya. "Oo naman best uwi agad ako." sabay gulo ng buhok.Naiinis ko namang inayos ang buhok ko. Lagi nalang ginulo tss! Badtrip talaga ako ngayong gabi.Niyaya ko na ang mga kaibigan ko. "Tara na guys." yaya ko Kanya kanya silang daldal pero tahimik lang ako.Wala ako sa mood mag dadadaldal ngayon.Napansin naman nila iyon kaya di na nila ako kinulit.Dumeretso na ako saamin.Gusto ko nalang matulog para mawala badtrip ko. Dapat ko na sigurong kalimutan ang simpleng paghanga ko sa De Vera na iyon. Simpleng paghanga nga lang ba? sigaw ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD