CHAPTER XVIII Pagsapit ng hapon ay dumaan si Ace sa boutique ni Lenneth para ipagpaalam sana si Lyka. Gusto niyang bumawi sa anak niya at alam niyang nagtatampo ito sa kanya, ang problema lang ay hindi niya alam kung papayag ba si Lenneth na ilabas niya mag-isa si Lyka at hindi kasama ang ibang anak nito. Huminga siya ng malalim at bumaba ng kotse, wala namang masama kung susubukan niya. Kapag hindi pumayag ay kakausapin niya na lang ng maayos si Lyka at ipapaintindi ang sitwasyon nila. Pagpasok pa lang niya sa boutique ay may isang matangkad na Sales Representative na ang sumalubong sa kanya. “Good afternoon, Sir. How may I help you?” magiliw na tanong nito sa kanya. “Uhm, I’m looking for Lenneth Morales. Is she here?” tanong niya. “Oh, I’ll talk to the Manager. Is

