KABANATA XXXIII Huminga siya ng malalim saka tumayo at nagpuntang kusina para uminom. Parang natuyuan siya ng lalamunan sa napanaginipan niya. Ito ang kauna-unahang araw na napanaginipan niya ito at ang mga panahong magkasama sila, simula nang araw na pumasok siya bilang sekretarya nito hanggang sa kahuli-hulihang araw na makita niya ito. Kumuha siya ng baso at binuksan ang refrigerator para kumuha ng tubig. Kenneth, may nais ka bang iparating? Bakit ngayon ako nagkakaroon ng ganitong panaginip? May gusto ka bang sabihin o ipahiwatig? Halos maubos ang tubig na isinalin niya sa kanyang baso sa uhaw na nararamdaman niya, nang ibaba niya ang baso ay muntik na siyang mapasigaw at mabitiwan ang baso nang makita niya si Pierre na nakasandal sa frame ng pinto ng kusina. “You s

