CHAPTER XVI

2466 Words

CHAPTER XVI   Pag-akyat ni Lyka sa kanyang kuwarto ay agad siyang nag-isip kung paano niya mapaglalapit ang kanyang Mommy’t Daddy. Ngayong alam na niyang mahal pa rin ng kanyang Daddy ang Mommy niya ay bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para gawin ito. Unti-unting nabuhayan siya ng loob at nakikini-kinita na niyang magiging buo at masaya silang pamilya, gaya nang sinasabi ng kanyang Daddy.   Simula nang umalis sila ng Pilipinas noon at malayo siya sa kanyang Daddy ay inilihim niya ang totoo niyang nararamdaman. Masaya siya dahil nakilala niya ag totoong mommy niya at ang kambal niyang si Sephy pero nasasaktan din siya at nalulngkot dahil kinailangan nilang lumayo sa kanyang Daddy.   Sa mga panahong nagdaan ay naintindihan niya kung bakit hindi na puwedeng mabuo ang pamilya niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD