CHAPTER XIII Pagkagising niya nang umagang iyon ay naabutan niya ang kambal niyang anak na naghaharutan at nagkakatuwaan habang si Keigh naman ay tahimik lang na pinanonood ang dalawang nakatatandang magkapatid. Kumunot ang noo niya, parang may napapansin siyang kakaiba sa mga anak niya hindi niya lang matukoy iyon sa ngayon. “Good morning, kids!” bati niya sa mga ito. Natigil sa harutan ang dalawa at agad namang lumapit sa kanya si Keigh at yumakap. “Good morning, Mommy. Aalis ka na po?” tanong nito sa kanya. Tumango siya. “Yes, princess, dadaan muna si Mommy sa office bago dumiretso sa pictorial. May kailangan ka ba?” malambing na tanong niya rito. “Mommy, puwede po bang sumama po ako sa inyo? Wala naman po kasi akong gagawin dito sa bahay?” tanong nito sa kanya.

