Namumula't hindi maipinta ang mukha. Sa lalamunan at dila'y ramdam ang balahibo ng kawawang sisiw na kinain niya. It's her first time! At hinding-hindi na siya uulit.
"It's been a long time since I eat balut. Sobrang mahal na, dati ay trese pesos lang 'yon pero ngayon ay kulang-kulang na trenta. Kung sabagay, lahat ng bilihin tumaas maliban sa sahod ng taong-bayan." Ani Shei na nagpapak ng tinake-out na asin. "Anyways, nagustuhan mo ba sir---mukhang hindi?" Sagot sa sariling tanong.
Hindi mawari ang itsura, umiling si Denis at pilit na ngumiti sa dalaga. "I'm good. Masarap ang balut, I didn't expect na its yummy." Labas sa ilong na tugon.
"Iba ang sinasabi ng itsura mo." Sa itsura ng binata, gusto na nito tumalon at isuka ang lahat ng kinain hanggang mawala sa panlasa niya ang kinain.
"I'm really good." Umiling si Denis saka binaling ang atensyon sa orasan pambisig. "Maaga pa, saan ang sunod mong gusto puntahan?" pag-iiba ng usapan.
Pinakatitigan ni Shei ng binata na hindi pa rin maipinta ang mukha, at sunod-sunod ang paglunok. Inabutan niya ito ng tubig. "Here, inumin mo ng mawala sa panlas mo."
Nag-aalangan na bumaling ang atensyon ni Denis sa kaniya. "Kunin mo na, kung paulit-ulit kang lulunok ay mas lalong kakalat sa panlasa mo ang kinain kanina."
"S-salamat." Inisang tungga ng lalaki ang tubig at hindi nag-abala na tirhan siya kahit kaunti. "Sorry, it's my first time to eat street foods. Masarap siya kaso 'yong sisiw--kawawang sisiw, hindiman lang nasilayan ang mundong ibabaw."
"Sana sinabi mo kaagad, hindi mo na rin sana kinain pa 'yong parte na iyon. I am more than willing to eat those chic, magpapasalamat pa ako." Ani niya na tila hindi amo ang kausap, mabilis siyang natuhan at inayos ang pagkakaupo. "I'm sorry."
"It's fine, don't be sorry. Habang tinitignan kita kanina ay sarap na sarap ka. Ayoko na ma-offend ka kung hindi ako kakain." Paliwanag nito saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Ang pinakamalapit na stall pa lang ang napuntahan nila pero suko na ang binata. "Saan tayo?" Muling tanong ng lalaki.
"Kahit saan café. Basta may kape." Naglalaway siya sa streetfoods ngunit gustuhan niyaman siya lang rin ang kakain. At baka, matuluyan ang amo na lumaki sa ginintuang kutsara.
"Okay. At the nearest café!" Anunsyo ni Denis bago pinaandar ang kotse. Nakahinga siya ng maluwag, akala niya ay kung saan street food ulit sila magpupunta.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Hindi nagsasalita si Shei't abala sa pagkalikot ng cellphone habang siya ay pasulyap-sulyap sa dalaga.
Palihim siyang bumuga ng hangin, inipon ang lahat ng loob para basagin ang katahimikan. "Kasama mo lumabas ng opisina si Kathleen. May nasabi ba siya sa 'yo tungkol sa akin?" For the first time, na-curious at nakaramdam siya na gusto niyang itama ang lahat.
"Ah, sinabi niya na walang nagtatagal na secretary mo. At pinaaalalahanan sa mga ayaw mo." Kibit-balikat at kaswal na tugon ni Shei.
"Bukod doon wala siyang ibang sinabi?" Paninigurado niya. Alam niya sa sarili kung ano mga kalokohang ginawa. Baka umpisa pa lang, end game na dahil sa panget ng imahe na sinasabi patungkol sa kaniya.
"Katulad ng?" Bumaling ang atensyon, nakataas ang itaas na kilay.
Sunod-sunod siyang napalunok, umiling at inilihis ng tingin. "Nothing."
Kibitbalikat na itinuon ni Shei ang atensyon sa labas ng bintana. Nang makarating sa café, si Denis na ang nagpresinta mag-order. Iilan lang ang tao sa loob ng café, lahat ay may sarisariling mundo, at magkakalayo. Tinignan ang oras sa cellphone, twelve midnight na pero hindi pa siya tinatamaan ng antok at mukhang ganon din ang binata na buhay na buhay ang mata.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Denis ng makabalik sa pwesto dala ang pagkain nilang dalawa. Sa dami non ay tila iisipin ng iba na limang tao ang kakain. Mayayaman nga naman.
Umiling siya. "Inumin mo ang kape nang mawala ang lasa ng kinain mo kanina. Pasensya na, kung alam ko lang na hindi ka kumakain sa ganon--"
"Wala ka kasalanan, Shei." Putol nito sa kaniya. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, gusto ko rin mag-explore ng pagkain. Experience din 'yon."
Nag-aalangan na tumango si Shei at pilit iniba ang usapan. "Bakit nga pala hindi ka makatulog?" tanong niya.
"Friday night." Tila sagot sa lahat ng katanungan. "Ganitong oras nag-uumpisa ang araw ko tuwing araw ng biyernes."
"Oh, clubbing."
"Hmm. Sa binatang katulad ko, kailangan ko rin ng isang araw para magrelax sa dami ng trabaho sa buong linggo." Paliwanag nito.
Pinakatitigan niya si Denis. Mukha itong inosente, walang dinadalang problema o responsibilidad sa buhay. Ngunit, wala nga ba? O sadyang tinakasan lang nito ang lahat.
Tumikhim siya. "Sa itsura mong 'yan?"
Tumawa si Denis, proud na proud na tinignan ang repleksyon sa salamin bago muling bumaling. "Gwapo rin pala ako sa 'yong paningin pero ba't di ka tumitingin sa akin?"
"Marami nang nakatingin sa 'yo, hindi na kailangan ng tingin ko." Kinagat nito ang croissants. "Pero may tanong ako,"
"Ano 'yon?"
"Sigurado ka ba na hindi pa tayo nagkita bago ang gabing 'yon?" Pinamulahan siya ng pisngi habang iniisip ang mainit na gabi.
Tandang-tanda niya pa kung paano siya mabaliw, sinisigaw ng paulit-ulit ang pangalan ng binata, habang sabay na tinatahak ang rurok ng kalangitan.
"Marami akong nakitang magagandang babae, pero nakasisigurado ako na iyon ang unang pagkikita natin." Walang bahid ng pagsisinungaling ang tono nito. "Bakit mo naitanong?"
Direkta niya itong tinignan sa mata saka matamis na ngumiti. "Parang nakita na kasi kita, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan." aniya bago binaling ang atensyon sa kinakain.
"Makikita mo 'ko kung saan-saan pero never talaga kitang nakita maliban ng gabing 'yon." Usal nito.
Tahimik na tumango si Shei, hindi na muling umimik. Ayaw niya makipagtalo mas lalo na't nakikita niya sa mata nito na hindi nagsisingaling.
Sunod-sunod siyang bumuga ng hangin, kailangan niya pa itong kilalanin. Gusto niya malaman ang lahat patungkol dito. Kung ang manatili sa tabi ni Denis ang nag-iisang paraan, gagawin niya.
Itinaas niya ang tingin, nagkasalubong ang mata nila't tila nagulat sa nangyari. "Sir, hindi ako magiging katulad ng mga nauna niyong sekretarya, hindi ako aalis sa tabi mo. " diretso ang tingin niyang usal.
"Then, don't leave, Ms. Brillantes." Paghahamon ni Denis na may ngiti sa labi.
Tumango siya. "Don't worry, sir. Hinding-hindi ako maiinlove sa inyo." pahabol niya.
Sunod-sunod na napa-ubo si Denis sa huling sinabi niya. Inabutan niya 'to ng tissue 't tubig hanggang sa kumalma na.
"W-why?" Nagtatakang tanong nito. "May mali ba sa akin?"
"Hindi ba't halos lahat ng secretary niyo ay nainlove sa'yo kaya tinanggal mo sila sa trabaho? So, don't worry, I wont."
Hindi kaagad nakaimik si Denis sa sinabi niya, umiwas ng tingin at pinagpatuloy ang pag-inom. "But you're exemption." bulong niya.
"May sinasabi ka, sir?" Tanong ni Shei na hindi narinig ang huling sinabi niya.
"Nothing." Ngumiti ito bago inilahad ang kamay. "Aasahan kita, Ms. Shei Brilliantes." Sb.