I spent the day with my kids. Hindi ako sumipot doon. Okey lang naman. Nagpaalam naman ako kay Rafael. Siya na daw ang bahala. Naglalaro kaming tatlo sa swimming pool. Tuwang tuwa ang dalawa hanag naglalaro sa kiddie pool. Pinagmamasdan ko lang sila. Pinaplano ko nang ipakilala sila kay Tyron bukas. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko sa pag-alis namin papuntang California dahil kailangan yun ni Ericka. Parang panahon na lang siguro para malaman niya. Mukhang mabuting tatay naman si Tyron eh. Wala akong dapat ipag-alala. Our relationship.... I don't know. Bahala na. Hindi ko na iisipin ang kalalabasan ng lahat. Sugod kung sugod. Suicide kung suicide. Kung magagalit siya eh di okey. Kung matutuwa eh di mas okey. Ang bilis kong magbago ng isip noh? Three weeks ago, halos ayokong umuwi dito

