*Tyron's POV "Marry me, Gianne Emilia Herrera." wika ko ng hindi ito magsalita. Umiiyak na siya ngayon sa harap ko. She's really beautiful. Wala akong ibang makitang babaeng nais kong makasama sa buhay ko. Siya lang talaga. I love her so much. "T-Tyron... I--" Natigil siya ng marinig ang malakas na sigaw mula sa crowd. Napatingin ako sa pwesto ng mga magulang niya kung saan nagkakagulo na ang mga ito. Hawak-hawak ng kapatid niyang lalaki ang isang batang babae. Tiningnan ko si Gianne na mas lalong napaiyak habang nakatingin sa mga ito. Tila nakalimutan na niya ako at agad-agad na tumakbo papunta sa pamilya niya. Napatanga ako sa kinaroroonan habang nakatingin lang kay Gianne. I heard people gasping. Sunod-sunod na bulungan ang narinig ko. Tila nabasag ang puso ko ng makita si Gianne n

