Abot-abot ang kabang nararamdaman ko ng makitang kausap ni Edmund si Tyron. Akala ko aatakihin ako sa puso. Fck. Nakita na ni Tyron si Edmund!!! Paliit ng paliit ang pilipinas para sa mga anak ko at kay Tyron. Ngayong nakita na niya si Edmund, hindi imposibleng malaman niya ang totoo and I'm really scared right now. Gusto ko na lang tumakbo at bumalik kami ng California. Basta. Gusto kong itago ang anak ko. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari oras na malaman niyang may nabuo sa mga nangyari sa amin dati. Paano kung kunin niya sa akin ang mga anak ko? O baka baliktad. Paano kung itakwil niya ang mga bata? Paano kung hingin ng kambal na makasama ang tatay nila pero ayaw ni Tyron? Natatakot ako. Nasa kalagitnaan ako ng matinding pag-iisip ng marinig ko ang pag-aaway ng dalawa kong anak. Mab

