DALAWANG linggo na simula nang mangyari ang nasa ospital ay hindi pa rin ako maka-move on. Para akong bida sa isang koreanovela na pinag-aawayan ng dalawang nag-gagwapuhang leading man. Feeling ko ako si Geum Jan Di at sila si Jun Pyo at Ji Hoo. Napangiti ako dahil sa kakaisip nang bigla akong napayuko. "Aray ko!" Daing ko nang bigla akong batukan ni Zeus na masama ang tingin sa akin. "Ang aga-aga pa Dessa Joy, nanaginip ka na agad diyan?" Sinamaan ko siya ng tingin at inilipat ang aking pansin sa laptop ko na kanina pa naka-hang. Humikab ako at dinukot ang dalawang VIP tickets para sa gig ng YSA band mamaya. "VIP 'yan?" Tanong ni Zeus. Tiningala ko siya at ngumisi sabay tango. "Oo naman," pagmamayabang ko. Inirapan niya ako at tinuon ang mata sa screen ng laptop ko. Naka-focus nama

