"P-PAKAWALAN n-niyo a-ako.. P-pakiusap.." Pagmamakaawa ko sa isang doktor na tumitingin sa akin. Kulay mais ang medyo magulo nitong buhok. Abala ito sa pag-tipa sa laptop at hindi man lang ako pinapansin. Ilang araw na akong nagising at ilang araw na rin akong nakahiga dahil sa sugat ko sa dibdib na hindi pa gaanong humihilom. Nakatali at naka-kadena rin ang aking kamay at paa na para bang sinisigurong hindi ako makakatakas. Lumingon sa akin ang doktor at napa-iling. "D-dok," napalunok ako nang dumako sa akin ang mga mata niya. He sighed. "Your chest..does it hurt?" "M-medyo.." sagot ko. Naglakad siya papunta sa akin at tinitigan ako ng seryoso. He put his palm over my wounded chest. I winced when I felt the sting of pain, I tried not to gasp but it was too unbearable. "The microchip

