Matthew's Pov "Ikaw Mr. Rafael Calinagan ay hinahatulan ng hukumang ito na mabilanggo ng sampung taon sa paglabag sa batas na Republic act 9262 at magbabayad ng isang daang libong piso para sa iyong napinsala!" Agad kaming nagkatinginang lahat, nakita kung napayakap si Sandra kay Miguel kaya lumapit din ako sa kanila upang bigyan ito ng yakap. "Congrats Miss Sandra, we won the case." "Yes Attorney, and thank you so much for helping me out." Tinapik ko si Miguel na nakangiti lang habang kausap ni Sandra ang lawyer niya. Tumingin siya sakin na bakas sa muka ang saya. Nabaling naman ang tingin namin pare pareho kay Rafael. "Hindi pa tayo tapos Sandra! Pagbabayaran mo ang lahat ng to!" Matigas na sabi nito bago tuluyan siyang hilahin ng mga pulis. Hindi siya pinansin ni Sandra, nilingon

