Ilang araw na ng muli kaming makabalik sa Manila. Napakadaming nangyari nitong mga huling araw. At sa dami ng mga yon, isa lang masasabi ko, ng lahat ng paghihintay at sakripisyo ko nauwi naman sa maganda.
After what happened that day, after we kissed. I know Miguel has something special to me.
Paulit ulit lamang nagfaflashback sa isipan ko ang nangyari ng mga oras na iyon. Para akong nasa ulap. Malinaw na samin ni Miguel, kung anong meron kami ngayon. Malinaw sa amin ni Miguel kung anong dapat naming ayusin.
Hindi pa kami official na in a relationship but we'll work on it. Kumbaga nasa ligawan stage pa kami. Masaya naman ako dahil kahit ganito alam ko na bibigyan namin pareho ng pagkakataon ang isat isa. We want to make it work. Ayaw na niya ng relasyon na nauuwi sa wala.
Flashback
Matapos ang halik na iyon, hindi ko na talaga mapigilan pa ang mga ilang luhang nagbadyang bumagsak.
He smiled at me. Itinuon niya ang noo sa noo ko. Ramdam ko padin ang mainit niyang hininga. "I want to court you." Bulong nito.
Napatawa naman ako ng mahina habang naiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako sumagot. Ramdam ko ang mahigpit na yakap niya sa akin.
"I want you to know how special you are, and how lucky I am." Dagdag na salita nito sa gitna ng yakapan namin. Ilang sandali lumayo siya sakin ng kaunti at humarap. Hinawakan niya ang magkabila kung pisngi at tinitigan ng mataman. "Gusto kung mahirapan at paghirapan ka bago makuha." I smiled at him. "I have one favor."
This time hindi na nawawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko maitatago na mas umosbong ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil dito.
"What is it?"
"Would you make it hard for me to get your Yes?" Inirapan ko siya at napatawa dahil sa sinabi niya. Kaya naman niyakap na lamang niya ako ulit.
"Sam." Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. He hold my hands at tiningnan ako ng mataman sa mga mata. "You always make happy, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. I always want to be the one holding you, Sam the more I've gotten to know you the more I've realized how special you are."
Para na siguro akong nasa ulap ngayon na nakalutang lamang.
"Miguel, masaya akong marinig yan mula sayo."
End of flashback.
"Mukang maganda araw natin Mam ah." Bati ng isa sa waitress namin. Nagsmile lang ako sa kanya na ngayon ay ibinababa sa mesa ko ang americano coffee ko.
"Sam!" Maya maya napalingon ako kay Kuya Raffy. Tinawag niya ako palapit sa kanya na ngayon ay nasa labas.
"Yes?" Tanong ko ng makalapit sa kanya, na ngayon ay may kausap na lalaki na may hawak na bulaklak at paperbag.
"Kayo po ba si Miss Samantha Marquez?"
"Ako nga bakit?"
"Delivery po." Nagkatinginan kami ni Kuya Raffy, nagkibit balikat lamang siya habang nakangiti at naglakad na pabalik sa trabaho niya.
Inabot sakin ng lalaking to ang isang bouquet of yellow roses. Napakaganda niya. Kinuha ko to agad at yung isang paperbag na obviously may lamang bear.
"Pirma nalang po kayo dito." Pagkapirma ko, bumalik nako agad sa table ko. I lightly smiled ng mapansin ang isang card. Its from Miguel Arcela.
Tinitigan kung mabuti ang yellow roses na napakaganda sa paningin. But I was wondering why yellow? Napansin ko agad ang isang card na nakaattouch din dito.
'Yellow Roses signifies friendship and about falling in love'
Mas lalong lumaki ang ngiti ko habang inaamoy amoy pa ang mga bulaklak na ito. Agad ko din binalikan ang paperbag, kinuha ko muna ang card dito.
'Hello beautiful, I hope I'll make you smile. -Miggy Bear'
Mas lalo akong napabuga ng ngiti dahil sa message niya. Loko talaga to. Hindi siya nawawalan ng gagawin para lang mapasaya ako. Gusto niyang patunayan ang sinabi niya sakin na paghihirapan ako.
Nitong mga nakaraang araw simula ng bumalik kami sa Manila, palagi na kong sundo at hatid ni Miguel, ngayon lang siya hindi nakasundo dahil maaga siyang umalis dahil may meeting siya sa client niya at kailangan niyang maghanda para board meeting mamaya. Tinapos niya lang kanina ang presentation niya at kanina lang din niya nafinalize ito. Napakagaling talaga niya.
Pinagmasdan ko lamang ang mga bigay niya habang nakangiti. Pano ba naman ako hindi maiinlove sa lalaking to? Gwapo na. Napakasweet pa. Last time pinagbake niya ako ng mas maraming cookies pa sa bahay, at kinain namin yung iba.
Si Miguel yung tipo ng lalaking sobrang family-man, napakadami niyang plano at lahat ng ito ay gusto niyang tuparin. Napakaswerte naman ng babaeng mamahalin niya. Sana nga ako na yon. Sana nga!
Kinuha ko phone ko at nagsend ng message.
'Thank you for the flowers and for giving Miggy, he's cute.'
Pagkasend ko non sa kanya, ilan pang saglit ay nagring narin ang phone ko.
"Hello."
"I have Sammy also." Bungad agad nito sakin. Napatawa naman ako sa linya at maging siya.
"Really?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga, after we hung up I'll send you her picture."
"Thank you." Rinig ko ang buntong hininga niya mula sa kabilang line.
"Anyway I have to go magstart na ang board meeting namin." Sabi nito.
"Yeah sure. See you later." Sabi ko. Hindi agad siya nakapagsalita. Naghintay akong muli sa pagsasalita niya. Ramdam ko ang paghugot at lunok niya bago muling magsalita.
"Yeah. Take care, I miss you." Sabi nito. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa huling sinabi niya. Napalunok pako ng mariin.
"I miss you too." Naging sagot kung muli.
***
Matthew's Pov
Nakatingin lamang ako mula sa stage kung saan inaayos na ang gagamiting instruments ng mga batang ito.
Masaya ako na natuto sila sa lahat ng mga itinuro ko. Nagsimula ng magpalakpakan ang mga tao mula dito ng magsimula ng hatawin ni louichie ang drums na ginawa namin.
"Matt! Matt" napalingon ako sa tumawag at tumapik sa balikat ko.
"F-father." Seryoso lang siyang nakatingin sakin habang ako naman hawak hawak ko ang tagiliran ko na may tama ng saksak. Binalutan kona ito kanina ng gauze sponges. Kahit na tuloy padin sa pagdugo maging ang sa likod ko.
"Matt san kaba galing? Kanina kapa hinihintay ng mga bata."
"Sorry father may inasikaso lang ako."
"Matthew, napaaway ka ba? Ano yan?" Napansin nito ang tama ko sa muka at ang tama ko sa tagiliran. Napapangiwi ako dahil sa hapdi na nararamdaman mula dito. "Maguusap tayo mamaya, at bago ka magpakita sa mga bata ayusin mo muna yang sarili mo. Mamaya sabihin ko kay Marie na gamutin ng ayos ang sugat mo." Bakas sa boses ni father ang pagaalala pero mas bakas dito ang hindi sang ayon sa muling pagpasok ko sa gulo.
Natahimik na lamang ako habang pinapanuod ang mga batang ito, na nabaling ang tingin sakin they mouthed 'Kuya Matt' at masayang masayang nagpeperform, kumaway lamang ako sa kanila mula dito sa pwesto ko.
Pagkatapos ng dalwang beses na performance nila, mas pinili ko na munang magpunta kay Marie sa likod ng simbahan upang gamutin ang sugat ko. Hindi naman ako pwedeng magpakita sa mga to na ganito.
Ilan pang sandali andami niyang nilagay dito, si Marie ay isa lamang sa mga kasama ni Father Arthur na magpalaki sa mga batang ito. Graduated siya ng Nurse kaya alam niya papano ang gagawin.
Maliit lang naman ito kumpara sa mga ibang sugat na natamo ko noon.
"Hay nako Kuya Matt, sa susunod magiingat ka." Pag aalala nito sakin. Ngumiti lamang ako at ginulo buhok niya.
Ng okay okay na pakiramdam ko at nakapagpalit na lumabas nako papuntang labas kung saan dinaraos ang Feast Day ni St. Marcus.
Agad akong nakita ng mga batang ito. "Kuya!!" Sigaw nila at agad akong niyakap, medyo napadaing pako ng maipit nila ang sugat ko. Ngunit hindi ako nagpahalata na lamang.
"Akala namin kuya hindi kana manunuod."
"Oo nga kuya, para sayo pa naman yung performance naming yon."
"Pero buti nalang nandon si Kuya Matt, sabi ko naman sa inyo diba? Hindi tayo matitiis ni Kuya."
Napangiti lamang ako sa mga sinasabi nila at isa isang ginulo ang buhok. Sa susunod na araw kasi pabalik nako sa Manila. Na siyang ikinalungkot nilang lahat pero nangako naman ako sa kanila na babalik ako. Dahil dito ang tunay na tahanan ko.