CHAPTER EIGHTEEN(UNEXPECTED TRAGEDY)

1694 Words
NAGISING AKO nang umagang iyon na masakit ang ulo dahil lang naman sa paglalasing ko kagabi. Muli ay unti-unting luminaw ang isip ko at naglakbay sa nagdaang gabi ang aking alaala. F l a s h b a c k . . . Maraming estudyante na ang umuwi ngunit marami pa rin ang natirang nagsasayaw sa gitna ng auditorium. Marami pa rin ang umiinom ng punch drink na sini-serve ng mga staff. Pinage na ako ni Armina na uuwi na. As usual kasama na niya si Xander Luis. After the kissing scene a while ago between Armina and Xander Luis, I drowned myself in alcohol. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon na nga kalalim ang pagmamahalan nila! Maski si Vanessa na kasama ko ring nakasaksi ay nag-iiyak sa tabi ko. Naghiwalay kami ng pinsan kong walang namutawing mga salita sa bawat isa sa amin. And I will gladly thank her for that. Dahil pati ako ay kailangan ko na munang makapagisip-isip. But it doesn't mean na hahayaan ko nang maging maligaya ang mga ito! Never! And I will do everything to destroy them. "Gising ka na pala?" Mahigpit na iniyakap nito ang mga braso sa hubad kong katawan. Ngumiti ako sa kaniya at pinagkalooban ko lang naman siya ng isang maalab na halik. "Did you enjoy last night?" "Y-yes, I enjoy it. Actually, I love what happened between us, Bobby. I love you and I'm willing to do everything you wanted me to do." "Really? Kahit na ang traydurin mo ang sarili mong kaibigan na si Armina?" Natahimik ito. Hinayaan ko lang siya sa ganoong ayos. Patayo na ako sa aking kama nang magsalita siya. "Yes, I am willing to betray Armina if that is the only thing to make you love me, Bobby." Yumakap ito sa aking likuran. Hinarap ko siya at sinimulan ko siyang romansahin. I want her to be satisfied. And I'm giving my self sometimes a treat. Surely, this is one of them. I love playing this kind of game. Si Luisa ang itatago kong alas para tuluyan nang wasakin sina Armina at Xander Luis. Gagawin ko ang lahat para maging akin na nang buong-buo si Armina. I had also a PLAN C. That maybe is the most callous plan I will be able to do. But absolutely, that's the best answer to make Armina love me back. Whether she like it or not, wala siyang magagawa. In the meantime, hahayaan ko muna silang enjoy-in ang bawat isa. Magpapakalayo-layo muna ako. 'Di ba may kasabihan, kung tahimik ang kalaban ay mas mapanganib ito. Magsaya sila ngayon dahil sa araw na bumalik ako ay tuluyan ko nang makakamit ang matagal ko nang ninanais. "Two birds will be hit in one stone." Dec. 20, 1972. PAUWI NA kami galing Manila ng honeymunch ko. Nakaka-stress nang bumiyahe dahil nagkalat na ang kaguluhan sa buong siyudad. Naka-batas militar kasi kami ngayon. Dapat kahapon pa kami nakauwi pero nagpalipas muna kami ng gabi sa exclusive village na tinutuluyan nina Xander Luis. Since mag-graduate ng high school ang anak ko at si Armina ay malaki na ang pinag-mature ng nag-iisa kong anak na si Luis. I’m so blessed dahil nagkaroon ako ng asawang napakamaginoo. Pati na rin ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Armina. Lalong-lalo na ngayon na may madadagdag na sa pamilya namin. Si Arhea Mae. Yes, six months pregnant na ako. Baby girl siya. Siya ang dahilan kaya kami bumabyahe once a month sa Manila. Kailangan ko kasi makapagpa-check up at makapagpareseta ng mga vitamins at pampakapit. Maselan ang pagbubuntis ko. Hindi tulad ng ipinagbuntis ko si Xander Luis na nakakapunta pa ako sa mga shooting. Unfortunately, now, naglalagi na lang ako sa mansyon. MAIKSI kong tinapunan ng tingin ang esposa kong nasa aking tabi. “Ano ang nararamdaman mo, honeyblood?” “I’m perfectly okay, honeymunch! Medyo nakaka-hassle lang kasi ang mga nadadaanan natin sa daan.” Napatango-tango ako. Magaan kong hinimas ang maumbok niyang tiyan. Natutuwa ako dahil sa halos magdadalawang taon na paghihintay namin ay sa wakas! Biniyayaan na kami ng anak ng Diyos. “Gusto mo, bumaba muna tayo at kumain sa isang restaurant, honey blood?” Napailing lang siya. Patuloy lang ako sa maingat na pagda-drive. Maingat naman talaga akong magmaneho. Mas lalo pa ngayong lumalala ang krisis pang-ekonomiya. Mainam at tumigil na sa pag-aartista ang esposa ko. Dahil sa mga panahon na ito, sadyang mainit sa mga mata ng Pangulong Ferdinand Marcos ang mga taong nagtratrabaho sa media. Nakabukas ang cassette stereo ng kotse. Ang You and I ni Frank Myers ang pinapatugtog ng DJ. Team song namin itong mag-asawa. “Happy Second Wedding Anniversary nga pala, honeymunch.” “Happy Second Wedding Anniversary too, honeyblood. I love you and I always will.” Sa isang iglap at hindi inaasahang pangyayari ay isang sasakyan ang tumutumbok sa sinasakyan namin. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakapikit. Nang makabawi ako ay mabilis kong chineck ang aking esposa. Kahit nangangatog ay pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Kinapa ko siya sa aking tabi. “Honeyblood, are you alright? Please talk to me and utter some w-words. . .” Ngunit nanatili siyang walang imik. Mahina ko siyang niyugyog sa balikat. Napaiyak na lang ako. Hindi na siya gumagalaw, tila hindi na nga siya humihinga. Nanatili ako sa ganoong ayos. Napagpasyahan kong lumabas na ng kotse. Baka sakaling makahingi pa ako ng tulong. Pagapang akong lumabas ngunit nangalahati pa lang ang katawan ko ay may nakita na akong pares ng mga binti. “H-hello, Mr. Deo Gracia. I’m sorry but this will be the last time we’ll gonna see each other. So this is Goodbye!” “M-Mr. Willsmith Graham? But why?” “Because half the board member of DGC are not in favor with your management. Thanks to Mr. Fontanilla and President Marcos. Makakasama mo na ang pinakamamahal mong esposa.” At itinutok na nito ang hawak na baril sa akin. Napapikit na lang ako. Gun shots were everywhere! Nang muli akong nagmulat ay nakita ko na ang honey blood kong masayang nakangiti. Mahigpit kaming nagyakap at naglakad na sa maliwanag na lugar kasama ang anghel naming si Arhea Mae. Dinig na dinig ko pa rin ang You and I ni Frank Myers. ILANG ARAW na ang nakakalipas mula nang mawala ang mga magulang namin ni Armina. Huling burol na nina Mama, Dad at Baby Arhea Mae. Napakasakit sa aming dalawa ni Armina ang biglaang pagkawala nila. Hanggang ngayon, buhat nang maaksidente at patayin nga ang Dad Armando ay hindi ko pa rin makausap nang matino si Armina. Ako nga tila lutang. Ngunit nanatili akong mahinahon sa harap ng mga bisitang dumadalaw sa mga huling araw ng aming mga magulang. Mabuti nalang at narito pa rin at hindi kami iniiwan nina Yaya Doreen at Yaya Imelda. Kailangang-kailangan namin ng mga taong mapagkakatiwalaan sa ngayon. Dahil ayon sa nagsiyasat o nagimbestiga sa kaso ng taong pumatay kay Dad ay may kaugnayan ang lahat sa business nina Armina. Isa sa mga board directors ang bumaril sa kanila. Hindi pa rin malinaw ang anggulong pagkakadisgrasya ng sinasakyang kotse ng mga magulang namin. Ngunit malaki ang kutob kong kagagawan din nila ang naturang aksidente. Napakuyom ako sa salamin ng kabaong ng aking Mama. Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ang katarungang kailangan ng aming mga namayapang mahal sa buhay. DAHAN-DAHANG kaming lumapit nina Betty, Alex at Nicko sa nakatayong si Xander. Magaan kong inakbayan si Xander. Agad naman niya kaming hinarap. "Condolence, pare," ani Nicko habang sinilip niya ang kabaong ng Mama ni Luis. Nagparating din ng pakikiramay sina Bettina at Alexandra. Napapaiyak pa nga sila habang yakap si Xander. Kitang-kita ko sa mga nangingitim niyang mga mata ang pagdadalamhati. Pumayat din ito at tila namumutla pa. "Kumusta na, Xander? Condolence nga pala. Sina Mama at Papa ay dadalaw rin. Kasunod namin sila." "Ah, gano'n ba? Salamat." Dahan-dahan niya kaming iginiya sa mauupuan. Binigyan niya kami ng tig-iisang kape at inilagay na lamang niya sa gitna ng table ang mga cookies. "Siya nga pala, belated happy birthday, pare," ani Nicko na tinapik-tapik pa ang likod ni Xander. Napangiti siya kahit konti sa tinuran ni Nicko. "Thanks, pre. Next time na lang tayo mag-celebrate." "Kahit 'wag na muna, Xander. Naiintindihan ka namin," sabi naman ni Alex. "Oo nga, basta malagpasan n'yo ito ng stepsister mo. Dadalawa na lang kayong magdadamayan," sabi naman ni Bettina na humigop naman ng kape. Napatango-tango lamang ito at tila natuon ang pansin sa stepsister niyang si Armina. Naroon ang pag-aalala at kasali na rin siguro ang pagmamahal. Ngayon, malaki na ang chance nilang magmahalan. Pero, bakit may pakiramdam akong hindi pa rin magiging madali para sa kanila? Napailing-iling na lang ako at ang pag-o-open ng paksang ito kay Xander ay ipinagpaliban ko na lamang. Nasa pagluluksa pa kasi sila at sa mga ganitong mga panahon ay tiyak na bitterness ang nadarama nila. NASA SEMENTERYO na kami ngayon nina Xander. Isa-isa kaming nagtapon ng mga puting rosas sa dalawang hukay na paglalagakan ng mga kabaong ng Mama at Dad. Inayos ko ang malaki at itim na antipara na aking suot. Hindi ko mapigilang mapahagulhol at mapayakap kay Xander. Nang dahan-dahan na ngang ibaba sa hukay ang dalawang kabaong ay tila gusto ko na ring sumama sa mga ito. Nag-iyakan na rin ang mga kasama naming naghatid kina Dad at Mama Ysabellita. Patuloy lang ako sa pagdadalamhati nang marinig ko mula sa mga labi ni Xander ang mga salitang yaon. "Hush, Armina, nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Napatitig lang ako rito. Tila may mainit na bagay na yumakap sa aking nagdadalamhating puso pagkatapos kong marinig sa bibig ni Xander iyon. Pumailanlang ang awitin ni Matt Monro na Portrait of my love na isa sa mga paboritong awitin ng Dad ko para sa Mama ni Luis. Makalipas ang isang oras na pagtitig sa libingan nina Dad at Mama ay inaya ko nang umuwi si Luis. Mahigpit niyang hinawakan ang mga palad ko. Wari'y pinapaalalahanan akong 'di ako nag-iisa, na nandirito lang ito. Alam kong may dahilan ang Diyos at kinuha niya sa amin sina Dad, Mama at baby Arhea Mae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD