Matapos ang mahabang palitan ng pagmamaneho at nakakangawit na pag-upo ay nakarating na kami sa bahay namin. Maga-alas-diyes na ng gabi kaya naman mangilan-ngilan na lang ang mga naglalakad na tao sa paligid. "Salamat, Soren. Kahit na sa maiksing panahon ay naging masaya ako kasama kita." mula sa puso kong pasasalamat sa kaniya habang nakaparada ang sasakyan nila sa tapat ng bahay namin. Mula sa labas ay nakita kong nakabukas pa ang pinto at ang ilaw sa sala at alam kong hinihintay ako ni Mama para sermunan. Hindi siya kaagad na sumagot at kinuha ang kamay ko. "Maia, tandaan mong hindi mo dapat na kinikimkim ang sama ng loob mo. Let it out. Tell everyone how you feel. Kung nasasaktan ka na nila ay sabihin mo ito sa kanila ng paulit-ulit hanggang sa tumanim ito sa isip nila. And when

