Pagkauwi ko pa lang ay sinalubong na ako ng eksena kung saan ay magkaharap na nag-uusap si Mama at Ate Cielo. Pag-apak pa lang ng mga paa ko sa salas ay hinaharap na ako ni Ate, at sinasalubong ng isang malutong na sampal sa mukha kong kanina lang ay busog sa pagtawa at pag-ngiti habang kasama si Soren. I think I just stood there while nursing my hurt cheek. Shocked, hurt and angry. Why slap me? Do I deserve this? Dahil ba mas matanda ka sa akin ay may karapatan ka na saktan ako? "Ang kapal ng mukha mo na sagut-sagutin ang mga magulang natin na para bang may napatunayan ka na sa buhay. Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan sila ng mga kadramahan mo sa buhay na para bang kung hindi dahil sa kanila ay wala ka ngayon dito sa mundo!" Hindi ako kaagad na sumagot dahil muli ay iniwan akong ta

