Matapos ang sakuna ay may bagay na magandang mangyayari sa atin at may mga biyaya tayong matatanggap. Matapos ang matinding bagyo at pag-ulan ay may lilitaw at lilitaw pa ring bahaghari na magbibigay ngiti sa iyong mga labi at magbibigay pag-asa sa'yo. Bago ko pa mamalayan ay dalawang taon na rin pala ang lumipas. Dalawang taong parang dumaan lamang, ngunit marami pa ring nangyari. Matapos ang dalawang taon ay tuluyang nawalan ng bisa ang kasal ni Mama at Papa. Matapos ang ilang taon na pagpapakatatag ni Mama ay malaya na rin siya. At huwag din nating kalimutan na si Papa ay mas lalong malaya na para magpalit-palit ng mga babae. I actually feel sorry kung sino mang babae ang sunod niyang pakakasalanan. Maniniwala ba kayo na ang lakas lang ng loob ni Papa na padalhan kami ni Mama ng imb

