RATED SPG?
Ang ibang lenggwahe ay kailangan nang gabay at patnubay nang mga magulang.
Hahahaha,CHAROT.
Cherry POV
Pababa na kami nang hagdan habang nag kukulitan.
"alam mo sam hanggang ngayon bilib parin ako sayo eh"sabi ni anna.
"ako nanaman ang nakita mo,bakit naman?"sagot din ni sam.
"eh pano,sobrang laki talaga nang boobs mo,hahaha?"loko talaga tong si anna,nag umpisa nanamang mang asar kay sam.
"bakit?eh sa inyo din namam malalaki ah"
"pero cute nga lang yung n*****s nina bakla at sam,hahaha"sabay ding pang asar ni vicky.
"mga tomboy talaga kayo,ang perv pa?"sabat ni trish.
"nahiya naman daw kami sayo,eh mas perv ka nga sa amin,baka ikaw ang tomboy"balik asar ko kay trish.
"yah,remember niyo,pag naliligo tayo,nang hihipo yan nang boobs natin???tomboy talaga gal's"pang bubuking pa ni anna.
"yah right,ikaw ang tomboy at perv trish??"
Nag tawanan nalang kami sa naging reaction ni trish,siya kasi ang napag tripan namin,asar talo nga eh.
Nasa baba na kami nang hagdan,nang mapansin kong nasa sala sila ulap at nakita din namin doon ang boy's na speechless at puro naka nganga lang na naka tingin sa amin.lumaki naman bigla ang mga mata namin at napa takip kami sa mga bibig namin.
"oh oh"pang basag sa katahimikan ni anna.
"narinig ba nila yong mga pinag usapan natin?"tanong ni sam.
"i think so?"sagot ko din "ulap,kanina pa kayo dyan?"tanong ko kay ulap,pero tumango lang ito sa tanong ko,pinitik ko nalang ang noo niya para maka sagot ito nang maayos.
"ouch sis,really?"kunot noong tanong niya sa akin.
"what do you mean by that really thing huh?"balik tanong ko sa kanya.
"nah,nevermind"sabay tingin nito kay trish at nilapitan niya ito at inakbayan.hokage move ang loko.
"young master,young lady,handa na po ang hapunan"tawag sa amin ni kuya jake.
Natapos ang hapunan namin na sobrang tahimik.Parang may dumaang anghel sa harap namin.
"ulap,manonood kami nang movie,sama kayo?"basag ko sa katahimikan namin.
"yah sure"
"kuya jake,paki dala naman nang niluto kong cake at cookie's,pati nadin po ice cream at mga chips sa movie room,thank's"at kinindatan ko pa si kuya jake at narinig ko pa siyang humagikhik bago umalis.
"sis,halata kana masyado"asar ni ulap sa akin.
"anong pahalata masyado?"tanong ni james kay ulap.
"crush kasi niyan si butler jake,kaya panay ang pa cute,kala mo naman cute???"binuking ba naman ako nang baliw na ulap.Tsk
Nasa movie room na kami at pumipili na nang panonoodin namin,naka dapa kami sa sahig na may manipis na foam na maraming unan.kaming mga babae lang yung naka dapa,ang mga lalaki naman ay naka upo lang sa mga tabi namin.
"anu ba magandang panoorin ngayon?anong bago?"tanong ko sa kanila.
"fast and furious 8 nalang kaya bakla,di pa ako naka panood non eh"suggest ni anna.
"ok ok,gusto ko din yun"
Nanonood na kaming lahat nang fast and furious 8 at sobrang tutok kaming lahat sa pinapanood namin nang biglang mag ring ang cellphone ko,nag reklamo naman silang lahat,kaya nag peace sign nalang ako sa kanila at lumabas sa movie room,at sinagot ito.
Si lander lang pala.
"yes hello?"sagot ko.
"hi,nakaistorbo ba ako sayo ngayon cherry?"
"hahaha no offense,but yes,nanonood kasi kami ngayon nang movie,kasama friend's ko at friend's ni kuya cloud" narinig ko naman siyang napa bumuntong hininga sa kabilang linya.
"okay,sorry sa istorbo,call you tomorrow then?"
"okay,tomorrow nalang"
"okay,sorry again,bye,goodnight"at pinutol ko na ang tawag niya,babalik na sana ako sa movie room,pero pag lingon ko,ay nakita ko si zander na nakatayo na pala sa likod ko at sa sobrang gulat muntik ko pa siyang ma halikan.
"anu ba yan?ingot ka talaga,mang gulat ba naman?"sabi ko sa kanya habang naka hawak pa sa dibdib ko.
"boyfriend mo?"seryosong tanong niya sa akin.
"nop,why?"
"wala"yon lang ang sinagot niya at tumalikod na siya sa akin kaagad,sinundan ko nalang siya dahil pa balik naman din ito sa movie room.
"hey,sino yun ha?"tanong agad sakin ni sammie.
"si lander,ang kulit nga eh,bat niyo ba kasi binigay yung number ko sa kanya?"
"akala kasi namin na okay lang sayo yun,kaya binigay na namin"sabi ni vicky.
"duh,mukha bang okay sakin yun?di ko nga binigay nang personal sa kanya number ko eh,para walang istorbo,tapos binigay niyo naman"sabay irap sa kanilang apat. "anu ba yan,patapos na pala?di ko man lang na abutan,tsk,what's next?"
"frozen naman"suggest ni trish.
"anu ba yan trish,pa ulit-ulit nalang?"
"mag inuman nalang kaya tayo?"suggest ni troy.
"game kami dyan"sabay-sabay na sagot nang apat na gal's ko.
"oy sis,mag luto ka nang pulutan natin,yung sisig,lagay mo sa sizzling plate okay"request ni ulap sa akin,tumayo naman agad ako.
"barbie,tulungan na kita"sabi ni troy.
"ako nalang tutulong sayo daga"sabat ni zander ingot.aaarrrggg,asar talaga nang ingot na to,sa dinami-dami ba naman na pwedeng itawag sakin,daga talaga?,sapakin ko kaya siya.
"ako nalang che?"sabat na din ni james,kaya napa pout nalang ako sa kanilang tatlo.
"si troy nalang,let's go troy"sabi ko,kaya si troy nalang ang sumama sa akin.
Pumunta na kami nang kusina at nag umpisa nang mag luto.nag uusap din kami ni troy habang nag hihiwa nang mga kakailanganin namin at sinabi niya din sa akin na crush daw niya si vicky,kaya tinutukso ko ito,at pinag tatawanan,pulang-pula naman ang mukha nito kaya mas lalo akong natawa.
"oy daga,matagal pa ba yan?"nagulat kami ni troy nang biglang mag salita si zander sa likuran namin.
"anu ba yan bro,wag ka ngang sumulpot na parang kabuti dyan"reklamo ni troy.
"malapit na tong maluto ingot,kalma ka lang dyan okay?"sinabi ko yun nang naka talikod sa kanya.
"antayin ko nalang kayo,dito muna ako"
"okay,stay there and relax,oy anu na troy,ilalakad ba kita sa kanya?"tanong ko kay troy
"okay lang ba barbie?"
"oo naman,pariho talaga kayo ni kuya na torpe,siguro lahat kayo torpe no?"pang aasar ko sa kanila ni zander.
"sila lang no!ibahin mo ako,hindi ako torpe"sabat ni zander.
"weee,torpe ka din kaya bro,mga palusot mo?"natawa nalang ako sa bangayan nilang dalawa.
"ayan,luto na,oh troy paki kuha nang sizzling plate sa taas nang kabinet dyan"utos ko kay troy.
Naramdaman ko naman na parang may naka tayo sa likod ko,sabay bulong na....
"hmmmm,ang bango naman at mukhang masarap"bigla namang nag sitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang mag salita siya,para kasing ang lapit-lapit niya lang.
"oy anu yan zander ha?hokage move????"nang sinabi yon ni troy ay bigla naman siyang umalis sa likuran ko,at naka hinga naman ako nang maluwag.
Wooh,thank's to troy,dinala na namin ang mga pulutan sa mini bar room,na puno nang mga ibat-ibang mga alak,lumipat na pala sila doon at nag umpisa nang mag inuman at kantahan.
Inabutan naman ako ni sam nang red wine,alam niya kasi na ayokong umiinom nang hard,pero sila puro hard ang iniinom.
?
@@@@@@@
Bitin po ba?sa next chapter naman po
Like
Comment
& Share
Love Lots??