Kasandra Back to being a student na naman kami. It's been a week since naging boyfriend ko si Baby Love. He never fails to make me important. Sa isang linggong 'yon, hatid sundo niya ako. Alam ko na ngang nagtataka na sina Ate kung bakit hindi na ako nagpapahatid sa driver nila. Kaya naisipan ko na ipakilala si Baby Love sa kanila. But, kailangan ko munang sabihin ito kay Baby Love para naman alam nito. Palabas na ako ng school ngayon. Dinaanan ko muna si Manong Rogelio para ipa-alam 'yong tatlo nitong anak. I'm planning on bringing them at home. Matutuwa si Ate kapag nagkataon. Kilala na nina Ate ang mga anak ni Manong Rogelio. Minsan ay kusa ding nagbibigay si Ate para sa kanila. Nang maalala kong ilang linggo ko na rin silang hindi nadadalaw ay napanguso ako. Kumusta na kaya sila?

