Kasandra Pagkagising ko, nagulat nalang ako nang makita kong gabi na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa buhanginan. Kaya pala ang lamig ng pkiramdam ko. Nagmadali akong tumayo at naglakad pabalik sa resort. At dahil biglang sumama ang pakiramdam ko ay nanghihina akong naglalakad. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Kahit masama na ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring makabalik. Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa bungad ng hotel. Basta ang alam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pagbungad ko, nakita ko ang papalapit na Ambhier at Zay. Agad nila akong niyakap nang mahigpit at tinanong. "Saan ka galing, Kasandra?" nag aalalang tanong ni Ambhier sa akin. "Pinag-alala mo kami, Kasandra. Ayos ka lang ba? Bakit parang ang init mo?" agad na tanong ni Zay a

