Kasandra Napalitan na nang saya ang bahay simula nang dumating ang prinsesa namin. Unti-unting napupuno na naman ng kasiyahan ang loob ng bahay. Ilang araw pa lang simula ng maiuwi namin sina Ate Katherina sa bahay pero parang napakatagal na. Alam ko na masaya na si Inang kung nasaan man siya pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ito. Tungkol naman sa amin ni Baby Love ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Ang balak namin ay sa susunod na Sabado pa. Busy pa kasi ito ngayong linggo, dahil sa mga meetings nitong naiwan. Gusto niya akong isama kaso tinatamad ako. Mas minabuti kong magpaiwan na lang dito sa office at tapusin din ang mga natenggang paper works ko. Napatulala na lang ko sa nakita kong transaction papers between him and his father. Grabe, sobrang laking pera ang inilabas ni Ba

