NEFERIPITOU ICEAH FREECS
"Ano? Hindi ka manlang ba hihingi ng paumanhin sa ginawa mo? Hindi mo ba ko kilala?!" bulyaw sa akin ng isang lalaking nakabanggan ko dito sa Quadrangle. Napairap ako at napanguya nalang ng bubblegum ko. Jeez, gusto ko ng gulo, at ang gulo, in-love ata sa akin. Nakaka-touch. Laging nakabuntot sa akin e.
"Oh? Bakit hindi ka makapagsalita diyan?" Aniya. Tinitigan ko lang siya habang nginunguya bubblegum ko. Nakakahatak na siya ng paningin ng ibang tao dito sa Quadrangle. Mag-aassembly pa man din kasi First Day. Hays, makakapag-unat na naman ata ako ng buto nito ah.
"Ahhh. Baguhan ka palang kasi kaya ka maangas kung makaasta. Kailangan ka atang turuan ng leksyon." saad niya at humalakhak kasama ng mga kasama niya. Napangisi ako. This will be fun.
"Why are you smirking darling? You're about to face hell you know." Saad niya at tangkang hahawiin ang buhok sa tenga ko nang masalo ko agad pulso niya at hinawakan ito nang mahigpit.
"Aba't! Lumalaban ka hah!" saad niya at tinangkang bawiin ang pulso niya sa pagkakahawak ko, pero bigo siya. Mas lalong lumaki ang ngisi ko nang naaninag ko na sa mukha niya ang takot. Pero pinilit niyang itago 'yon.
"H-hoy kayo! Tulungan niyo ko rito aba!" reklamo niya sa mga kasama niya. Siya naman ang napangisi nang palibutan na ako ng mga kasama niyang nakabihis butler. Napailing nalang ako mentally at pinaputok ang bubble gum ko. Oh darling, hiding behind your guards? Poor kid.
"Get her!" bulyaw nung lalaki. In cue, sabay-sabay silang lumapit sa akin para kunin pero ngumisi nalang ako at iniwasan ang mga tangka nilang mahawakan ako. Apat sila, at mga maton ang katawan. Oh, I don't like gang bang you know, sorry.
Lumuhod ako sa lupa at nagbreak dance, kasabay nang pagpuntirya ko sa mga paang papalapit sa akin. Napabungisngis ako nang mahina nang bumagsak sila nang sabay-sabay sa lupa at nagpatong-patong. Hahaha, parang mga sardinas e.
Bago pa sila makatayo, pumunta na ako agad sa lalaki na nag-provoke sa akin kanina at in-arm lock ito. Napangisi ako nang mapasinghap lahat ng mga estudyanteng nanunuod sa amin ngayon,. Christ in a bike, wala bang teachers manlang dito para sitahin kami? Oh well, kahit andito parin naman sila, ang gulo ay gulo. Walang magbabago.
Napasinghal ako nang patuloy na nagpupumiglas ang lalaking nasa mga bisig ko. Tsk. Ang likot naman! At ang gago, kinagat pa ang braso ko langya! Magbabayad ka!
Hindi na ako nagdalawang isip na dambahan agad siya ng suntok. Hah! I'm a lady? Yes, I am. But not a damsel in distress. Magbabalik din dapat siya ng suntok nang naunahan ko siya at pinatungan siya. Habang nakapatong sa kaniya, patuloy ko lang siyang sinusuntok. Nagkakapalit-palit pa nga kami ng pwesto dahil parehas naming ayaw magpatalo. But as always, ako palagi ang may huling halakhak. Pansin ko na pagod na siya, pero ako hindi pa. Nginisian ko nalang siya dahilan para lumaki ang mga mata niya. Hinatak ko ang kwelyo niya habang siya ay nakahiga pa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Sleepwell, darling." bulong ko at bigla siyang hinead-butt. Tumulo agad ang dugo sa ulo niya at nabagok sa sementong sahig. Kasabay ng pagdating ng mga teachers sa pwesto namin. Tch, acting heroes now when it's too late?
****
"Pitou naman! Wala ka nang nagawang tama! Nakailang Schools ka na pero naki-kick out ka palagi. Ngayon sa school na 'to kakapasok mo palang pero nakipagbasag ulo ka na naman at nasa ospital 'yung binugbog mo. Wala ka talagang sinasanto bata ka! Ba't kasi kinup...."reklamo sa akin ni Dad pero hindi ako nakikinig. I'm used to it anyways. Palagi nalang kasi ako! Tss.
Tumingin sa akin si Dad na nanggagalaiti ngunit tinignan ko lang siya nang blangko at nginuya-nguya ang bubble gum sa bibig ko. Palagi akong may bubble gum na nakasaksak sa bibig ko. Nakagisnan ko na kasing may bubblegum sa bibig para tamarin ako magsalita, at ngumuya nalang nang ngumuya.
"Hon, patawarin mo na ang anak natin. I-enroll nalang natin siya sa bagong school." pang-aamo ni Mom kay Dad. Tss, ang lalandi. At, sa harapan ko pa talaga. Napasapo naman si Dad sa noo niya dahil sa sobrang inis, habang si Mom naman ay nakayakap sa kaniya. Psh, so cheesy. Sarap ipakain sa mga daga.
"Hon, wala na akong choice, ipapasok ko na siya sa LA." malambing na saad ni Dad kay Mom. napakunot naman ang noo ko dahil sa sinaad niya. Saan kaya 'yung L.A na sinasabi nila? At parang sa tono ng pananalita nila, ay magiging matino ako roon?
"Wag! Baka mapahamak siya! Maawa ka sa anak natin." mangiyak-ngiyak na tugon naman ni Mom kay Dad. Mapapahamak? Sino? Ako? Tss, bakit hindi nalang nila iklaro?
Tinapik ni Dad 'yung balikat ni Mom at tsaka muling tumingin sa akin. Seryoso ang mga kulay tsokolate niyang mga mata, at masasabi kong hindi bagay ang maging seryoso sa kaniya. Ang sagwa tignan.
"Pitou, lilipat ka na ng Lucifer's Academy." Saad niya na ikinatigil ko. Naputok ko ang bubble gum ko sa bibig ko.
Lucifer's Academy? Ano naman 'yon? eskwelehan ng isang anghel na sumaway sa utos ng Diyos? Napangisi ako. Interesting.
"No Reaction?" tanong sa akin ni Dad kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Ano pala dapat ang maging reaksyon ko? Maging masaya? Matakot? O maging malungkot? Asa namang gagawin ko ang mga 'yon. Mas maganda pang pagka-abalahan ko ang bubble gum sa bunganga ko kaysa makita ang mukha niyag karimarimarim. Tatay ko ba talaga 'yan? Tsk. Ang ganda ko masyado para maging tatay 'yan e.
"Fine, pack your things up, may Dorm ang school na iyon." Aniya. Dorm School? Mabuti pag ganon para may kalayaan na rin ako sa wakas. Tumayo na ako at tahimik na pumunta sa kwarto ko. Pagkarating ko ay pumunta kaagad ako sa closet ko at kinuha ang mga damit ko at tsaka dagling inilagay sa maleta ko.
Pagkatapos ay bumaba na ako at sinabulong ako ng isang nag-aalalang Ina. Tss. Inang pundido ang ilaw.
"Anak, be careful sa pagpasok mo doon ha." sambit niya at tsaka ako niyakap nang mahigpit. Hindi ako bumalik ng yakap. Bahala siya magdrama, wala parin akong pake.
"Pitou, andiyan na 'yung Service ng bago mong School." sambit sakin ni Dad. Nakakatawa naman talaga. Ang bilis nila akong paalisin sa bahay na 'to ah. Parang pinagplanuhan na talaga nila akong paalisin ngayong araw dahil may service na agad. Sumulyap lang ako sa kaniya at kumuha ako ng bubble gum sa bulsa ko at isinubo na sa bunganga ko. Wala na kasing lasa '7yung nauna.
Lumabas na ako sa ko ng bahay. Dumako agad ang paningin ko sa Black Limousine na nakaparada sa harap ng bahay namin. Napaismid ako. Ito ba ang service ko? Sobrang gara naman ata. At inenroll ako sa school na limou ang service? E hindi nga kami ganon kayaman.
Sa kabila ng lahat ng pagtataka ko, walang pasabi na pumasok nalang ako roon at sinumulan na nilang paandarin ito.
Buong biyahe ay nakahalumbaba lang ako sa bintana at nginunguya ang bubble gum sa bibig ko hanggang makarating na kami sa Lucifer's Academy.
Hindi na ako nag-intay na pagbuksan ako kasi parang hindi naman nila ako pagbubuksan. Tch.
Pinagmasdan ko ang paligid. Gubat lang ang makikita sa buong lugar. Napakasukal at parang maraming tinatagong mga nilalang na hindi dapat masilayan ninuman.
Naglakad pa ako nang onti. Kalaunan ay may naaninag akong isang Gate na Black and Bloody Red ang kulay pero malinis kung tititigan. Kinuha ko na ang maleta ko at naglakad na patungo doon. Tumigil ako nang may maramdaman akong presensya sa may bandang gilid ko, 9 o'clock. Sinalubong agad ako ng matandang lalaki na may spectacles sa kanang mata, nakatuxedo at maputi-puti na ang buhok.
"Are you Neferipitou Iceah Freecs?" tanong niya sa akin ngunit blangko ko lang siyang tinitigan at ipinaputok ang bubble gum na nasa bibig ko. That's a sign of a yes if he knows my shitty body language.
Napakunot ako ng noo nang tumawa lang siya. Psh. Is he insane?
"So, it's true that you are lazy to talk 'cause of that bubble gum on your mouth." he said while grinning evilfully. Tss, nakatira ata 'to e. Napatingin ako sa kanang kamay niyang kamay na may gwantes nang bigla niya itong ilahad sa harapan ko.
"So, here is your Dormitory Room number." Aniya. 'Yung nakalahad niyang kamay ay biglang pumitik at nagkaroon ng kulay pulang papel.
Napakunot ang noo ko. Dormitory Room number lang? Ano ang section ko? Schedule? Napansin niya yata ang pagkakunot ang noo ko kaya nagsalita muli siya.
"Wala ka pang section dahil ikaw ay transferee. Besides,kailangan mo munang humarap sa Welcome Ceremony bago ka makakuha ng isang boller na nagsisimbolo kung ano ang section mo." Saad niya. Tumango-tango nalang ako at nginuya muli ang bubble gum ko .
Binuksan niya yung gate kaya pumasok na ako. Pagtapak ko palang sa semento ng paaralan ay nakaramdam ako ng kakaiba. Naramdaman ko lahat. Ang tensyon, ang uhaw sa dugo ng buong lugar, at ang mga matang nakamasid kahit wala akong nakikitang tao na nasa paligid.
Nang nilibot ko ang aking paningin, sinalubong ako ng mga naglalakihang buildings na nasa iba't ibang diversion. Ang tatlong building na nakahilera sa kanang bahagi ko ay kulay Silver. Ang nasa kaliwang bahagi ko naman ay kulay itim at ang nasa harapan ko naman kulay Ginto.
Nakakapagtaka. Anong ibigsabihin ng mga kulay ng mga buildings? Parang may color-coding. Tumingin ako sa papel na hawak ko at nakasaad dito kung anong kulay ng Dormitory ng Girls. White ang sa girls at blue naman ang sa lalaki.
Naglakad na ako patungo doon sa puting Building kaso nangangalahati palang ako ay nabobored na ako maglakad. Tch. Wala manlang bang magagamit na pwedeng sakyand ito? ang lalayo kaya ng mga buildings sa isa't-isa!
Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko na may mga bicycles na nakaparada doon sa gilid. Gumihit ang isang ngisi sa mga labi ko at mabilis akong pumunta roon. Kumuha ako ng bubble gum sa bulsa ko at akmang bubuksan ko na nang biglang nawala ito sa kamay ko. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang isang babaeng may mahabang buhok na tuwid, maputing balat at mga bilugang kulay kapeng mga mata ang ngayo'y kumakain sa ang pinakamamahal kong bubblegum. What the--Nginisian niya lang ako! Napairap nalang ako at kumuha nalang ako ng panibago at sinubo agad sa bunganga ko. Sino ba 'tong bwisit na 'to?
"Hi! Ako nga pala si Catherine Mae Vellaguez. Nice to meet you! Ikaw si Neferipitou Iceah Freecs diba?"tanong niya sakin. Nangunot ang noo ko. Takte, nakakailang kunot na ba ako ngayong araw? Baka magka-wrinkles ako nito. Kasalanan 'to ng bwisit na psycho na 'to e. Nalaman bigla pangalan ko.
"Dear, I am not a psycho. You're just very unique." Saad niya at ikinawit ang braso niya sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin ang braso niyang nakapulupot sa akin. Hindi ako sanay nang hinahawakan.
"Anong Dormitory Room Number mo?" tanong niya sakin at ipinagsawalang bahala ang masama kong titig sa braso niya. Inangat ko ang papel na kanina ko pa hawak at itinapat sa mukha niya.
"Oh. 5th Floor, 204th Room. Magkaroom pala tayo." Aniya. Naputok ko naman ang bubble gum ko. Christ in a bike. Itong patay gutom na 'to, magiging ka roommate ko? Geez, give me a break! Hindi ako papaya---
Hindi na ako nakaangal pa nang hatakin niya ako at tinulak sa isang bisikleta. Pinaandar niya 'yung kaniya kaya wala akong choice kundi sumunod nalang. Nang nakalapit na ako sa building namin ay halos malula ako dahil sobrang laki nito. Ang gara. Hindi ko kinakaya.
Nang pumasok kami, dumiretso agad kami sa Front Desk. Kabogera, may front desk pang nalalaman. Ang daming kaartehan ng school na 'to.
"Catherine Mae Vellaguez and she's Neferipitou Iceah Freecs, a transferee." malamig at walang emosyon niyang saad doon sa Babae sa Front Desk. Tumango nalang 'yung Babae at may sinimulang i-input sa computer niya. Bumalik ang tingin sa akin ni Catherine at nginitian ako nang pagkalaki-laki. Aktong dadakmain niya na naman ang braso ko nang iniwas ko agad 'yon at inunahan siya sa elevator. O Pinindot ko agad ang 5th Floor at sumandal sa pader, habang si Catherine, walang imik na ngumunguya ng ninakaw niya saking bubblegum.
Ting!
Pagbukas ng elevator ay may babaeng dumaan at muling bumalik nung palabas na kami ng elevator.
"Um, matanong lang. Saan dito 'yung 204th Room? Kanina pa kasi ako pagala-gala e." tanong niya sa amin. I roamed my eyes at her, from head to toe, at napataas ang kilay ko nang nakita kong naka-ballet shoes siya ngayong naka-jeans siya at nakasandong puti. Seriously? What's with the shitty get up? Normal naman ang buhok niya, tuwid na itim na buhok, tapos normal din ang mukha niya, walang kahit anong bahid ng kolerete o make up.
"Magkaroom tayong tatlo! Yipie! Ako nga pala si Catherine Mae Vellaguez at siya naman si Neferipitou Iceah Freecs." Pagpapakilala ni Catherine. Nabasa ko ang sandaling pagbahid ng pagtataka sa mukha nung Marize nung si Catherine na ang nagpakilala sa akin. Pinaputok ko nalang ang bubble gum ko. Yeah, I was weird, I know.
"Marize Monteverde." nakangiti niyang sambit. Sinenyasan siya ni Catherine na pumunta na sa Dorm Room namin kaya sumunod nalang siya. Pagdating namin sa tapat ng Dorm Room, napansin ko na wala itong door knob o kahit anong makakapitan para mabuksan 'yung pinto. Oh-kay, so paano namin 'to mabubuksan?
"Open. Amethyst Speaking."sambit ni Catherine. Pagkasabi niya no'n ay nagbukas na ang pintuan. Hmm, Amethyst ang code name niya, habang ako ay Fallen Angel. 'Yun kasi yung in-assign ng Dean sa likod nung papel na hawak ko kanina na may lamang Dorm Room number ko.
Nang makapasok na kami sa loob. bumulugta sa'kin ang isang malaking HD tv sa gitna na flatscreen at may tatlong sofa na nakapaligid rito. May laptop sa may kanang gilid at may X-Box sa ilalim ng TV. Ayos din.
Inilibot ko ang paningin ko at dumiretso ako sa isang kwarto na kulay black and white. 'Yun ang napili ko kasi ang dalawang natitirang kwarto ay kulay pink, at 'yung isa naman ay puno ng pagkain. Binalibag ko ang maleta ko sa isang tabi at sumalampak sa higaan.
Hmmm, parang magiging masarap tulog ko nito ah.
****
"Pitou, wake up!" panggigising ng isang taong nangahas na istorbohin ang aking mahimbing na tulog. Tumayo ako nang may mga mapungay na mata at bibig na nanggagalaiti sa kung sinuman ang gumigising sa akin. Buong pwersa kong pinorma ang kamao ko at sinuntok siya. At ang bwisit nakaiwas dahil hinalikan ng kamao ko ang pader.
"Anong nangyayari rito?" tanong ng isang trinig mula sa pintuan ng kwarto ko. Lumingon ako roon at naaninag ko agad ang pigura ni Marize. Pinaningkitan ko sila ng mata. Mga istorbo!
"Pitou, as a fellow transferee, kailangan nating umattend ng Welcome Ceremony. Magbihis ka na." saad ni Marize. Sinenyasan ko sila na lumayas na sa kwarto ko, at tumalima naman agad sila. Nag-stretching lang ako nang onti at inayos na ang sarili ko.
Nagsuot nalang ako ng black na leggings, loose white t-shirt na may nakasulat sa gitna ng "f**k OFF" tapos nagsuot ng kulay itim na cap. Tinernuhan ko rin ang aking get-up ng combat shoes na pang porma. Simple pero swabe.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan kong hinihintay ako ni Marize at ni Catherine sa salas. Nilagok na lahat ni Catherine ang kape niya at tumayo na.
"Tara na?"
Tumalima naman agad kami at sumunod sa kaniya. Maya-maya lang, nang makaalis na kami sa building ng Dormitory ng Girls, ay sumakay kami ng bisikleta at nagtungo sa isang Hall. Ang hall na paggaganapan ng seremonya.
"Now, we will start the Welcome Ceromony."
Saad ng M.C sa may Arena pagkarating namin. Naghanap kami ng upuan hindi kalayuan sa exit at pumwesto na roon. Nanuod ako sa 12 inch na LED TV sa may bandang taas namin at nakita kong may kinuhang papel ang M.C sa bulsa niya.
"May I call on the transferee, Marize Monteverde?" saad nung M.C. Sumulyap ako kay Marize at agaran naman siyang tumayo. Nalihis ang aking paningin nang may Fererro na humarang sa paningin ko.
"Gusto mo?" tanong sa akin ni Catherine. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at ibinalik ang tingin ko sa may harapan.
Welcome Ceremony? Ano kayang klaseng pakulo 'yon?
****
MARIZE MONTEVERDE
Pagpasok ko ng Combat Arena ay biglang namatay ang ilaw. Wala akong narinig na kahit anong tili o reklamo. Parang sanay na sanay na lahat ng tao rito sa ganitong mga pangyayari. Maya-maya lang ay bumalik na ang ilaw. Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi nang mapagtanto ko na hindi na ako nag-iisa sa Combat Arena. May mga lalaki na rito, at ramdam ko ang uhaw nila sa dugo.
"Marize, in order for you to know your section, you should defeat the man standing before you. It's the school's old tradition. Enjoy killing each other." Saad ng boses sa speaker. Nagkibit balikat nalang ako at tumungo sa gitna ng Combat Arena. Ngumisi sila sa akin ngunit ang isinukli ko lamang ay isang blangkong tingin.
Nagsimula na silang umatake. 'Yung isang lalaki na nasa harapan ko at isang lalaki na nasa likod ko ay sabay na papalapit sa akin, parehas na may hawak na mga kutsilyo.
Hmmm, parang balak ko munang makipaglaro sa kanila. Nagsquat ako bigla nang naramdaman ko silang malapit na kaya ang resulta, nagsaksakan sila. May tumalsik na dugo sa may bandang batok ko kaya napangisi ako nang todo-todo. Kasabay nang pagtayo ko ay ang pagsalubong ng kamao ko sa kanilang mga panga. Nang lumagapak sila sa sahig ay sinipa-sipa ko pa sila dahilan para mapadaing sila ng sobra-sobra.
Ganyan nga. Scream for me, weaklings.
Dahil sa sobra kong pagpapakasaya, hindi ko na namalayan ang lalaking nasa likuran ko. Hindi ko narin napigilan ang pagpukpok niya ng bat sa ulo ko kaya bumagsak ako sa sahig. Tsk, badtrip. Nagpanggap akong nawalan ng ulirat. Inapakan ako ng isa sa kanila at pinigilan ko ang pag-ungol sa sakit. Letse 'tong mga 'to.
"Wala na 'to pre. Mahina." saad nung nakatapak sa akin. Mga bwiset.
"Wala naman palang ibubuga 'yan." saad nung kasama niya. Naramdaman ko ang pag-angat ng paang nakadagan sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon at tumayo kaagad na ikinagulat nila.
Pinulot ko ang mga shuriken (throwing star) na nasa sahig. Paano naman nagkaroon ng ganito dito? Nagkibit balikat na lamang ako at inangat ang tingin ko sa kanila. Nagsimula na akong humakbang papalapit sa kanila pero kasabay din no'n ay ang pagkahilo ko, Hays, masama 'to. Kailangan ko na itong tapusin kaagad.
Bumwelo ako at sumayaw ng pang-ballerina. Obviously, ito ang specialty ko, pumapatay ako habang nasayaw ng ballet.
Nagsimula na silang sumugod sa akin, Napangisi nalang ako nang ni-isa sakanila ay di makalapit sa akin dahil kada paglapit nila ay umiikot ako at tinitira ang gitna ng noo nila, puso, at ang ugat nila sa leeg.
Nagmistulang lugar ng mga patay itong Combat Arena. Sumulyap ako sa natitirang dalawa na lalaki na nakatayo sa akin. Takot ang nakikita kong nakapinta sa mga mata nila. Tumakbo ako patungo sa kanila ng pang-ballet pero nahilo na naman ako. Umiikot na ang paningin ko dahil sa sugat sa ulo ko at ang dugong dumadaloy dito. Napakagat ako ng labi at mabilis na tinungo ang dalawang lalaki. Hindi ko na sila hinayaang umatake dahil binato ko na agad ang dalawang shuriken na hawak ko at bullseye 'yon sa mga noo nila.
Napadaing ako nang sumasit na naman ang ulo ko. Sinapo ko iyon at may nakita akong dugo sa kamay ko. Akala ko tapos na ang laban kaya naging panatag ako, pero hindi pa pala. May nakatayo pang isa at nagtangkang saksakin ako ngunit naiwasan ko 'yon at nadaplisan lamang ako sa may braso ko.
Ugh. Umiikot na ang paningin ko. Kailangan ko na talaga 'tong tapusin agad. Sinuntok ko kaagad siya sa mukha nang walang pasabi kaya napaatras siya. Sinuntok ko pa siya sa sikmura niya at tsaka siya tinuhod kaya bumagsak agad siya. Hindi pa ako nakuntento dahil kinuha ko ang dagger at sinaksak siya. Isang kasinungalingan kung sasabihin ko na isang beses ko lang siya sinaksak dahil maraing beses 'yon. Ang sakit narin kasi ng ulo ko at parang sa kaniya ko lahat ibinuhos lahat ng dinadanas kong sakit. Nang makuntento ako ay namanhid na ang mga tuhod ko at napaupo nalang ako sa sahig.
"Congratulations Marize! You are in the shurikensection!" saad ng boses sa speaker. Naramdaman ko na ang pagbigat ng mga talukap ko at ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Goodnight Marize. Sweetdreams.
****
NEFERIPITOU ICEAH FREECS
"Okay, our first transferee was great, I can say. so next up, I'm calling for Neferipitou Iceah Freecs!" saad nung M.C nang maalis na ng Medical Team si Marize at 'yung mga bangkay. Tsk, it's my turn now.
Kalmado akong naglakad patungo doon sa Combat Arena at di ko maipapagkaila na nakakairita ang mga lintek na sinusundan ako ng tingin. Psh. Nang makalapit ako sa may Combat Arena ay nag-tumbling ako papasok doon, dahilan para mapuno ng hiyawan ang buong lugar. Tsk.
Namatay ang ilaw, at gaya nung nauna ay tahimik lang ang paligid. Napaawang ang labi ko. Ohkay, lalaban din ako. Sana may thrill din akong harapin. s**t, nae-excite ako.
Pagkabukas ng ilaw ay sumalubong sa akin ang mga lalaki na kakalabanin. Dinukot ko ang balot ng bubble gum ko sa bulsa ko at doon idinura ang bubble gum ko. Wala na kasing lasa. Itinapon ko agad 'yon sa malapit na trashcan at shoot 'yon. Woosh! Three points!
Nagtitigan lang kami hanggang umatake na 'yung blondie sa'kin. Sinuntok niya ako ngunit naiwasan ko 'yon at hinawakan ang braso niya. Hindi ako nagdalawang isip na ibinalibag siya. Tsk, such a weakling.
Sunod namang tumira ang red-headed guy. Sinuntok niya rin ako sa bandang mukha ngunit pinagkrus ko ang aking dalawang braso sa aking mukha at sinagga lahat ng atake niya.
Hindi ko inaasahan ang pagtuhod niya sa akin kaya napaluhod ako. Akmang susuntukin niya ako sa balikat nang iniwasan ko agad 'yon. At si tanga, napatid at naisubsob ang mukha sa sahig. Napailing ako. Stupid.
Inapakan ko ang likod niya at diniinan ko 'yon. Nilagay ko ang kamay ko sa cap ko at tinitigan siya nang matalim. Sinipa ko naman agad ang red-headed guy na akmang aatakihin ako sa likod. Tsk, mga walang kwenta. Natalsikan pa 'yung sapatos ko ng dugo niya nang bigla siyang nagsuka ng dugo. Nagkamali si Dad sa pagpapapasok sa akin dito. Mas lalo ata akong lalala.
Sumulyap ako sa walang kibong Black-headed guy. Nakatingin lang siya sa amin habang nakangisi kaya tinitigan ko lang siya direkta sa mga asul niyang mga mata.Nagsimula na siyang maglakad patungo sa akin ngunit ako ay nakatayo lamang at naghihintay na makalapit siya.
Walang pasabing sinuntok niya agad ang bandang dibdib ko pagkalapit niya. Mabilis ko 'yong iniwasan ngunit distraction lang pala 'yon para sa sipa na paparating. Hinawakan niya ang dalawa kong braso at nilagay ang mga 'yon sa likuran ko. Idinikit niya ako sa katawan niya.
"I'm aroused babe." saad niya at sinipa ang sikmura ko. Napaubo ako. Bullshit. Nakakadiri na nga sinabi niya, nakakadiri pa ang mga mata niya. Although may itsura siya pero hell!! Bastos! He caught me off guard. Darn it! Umubo ako ulit at may dugo nang lumalabas doon. Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nakawala ako sa bisig niya.
Hinawakan ko ang bunganga ko at tinignan ang kamay ko. Dumikit ang paningin ko sa pulang likwidong nasa palad ko. Dugo.........
"Anong nangyayari sa'yo? Takot ka ba sa dugo? Pfft." saad niya at humalakhak siya. Nanatili akong nakatitig sa dugo. May kung anong gumalaw sa tiyan ko at hidni ko alam kung anong nararamdaman ko. Maya-maya lang ay sumasabay na ako sa tawa niya.
"Ha....Ha...Ha." tawa ko gamit ang aking nakakapangilabot kong boses. Dugo, nauuhaw ako sa dugo. Tawa ako nang tawa at hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumawa. Sabik na sabik ako. Sabik na sabik akong makakita pa ng napakaraming dugong dumadanak. Mga kalamnan na nawawasak, at mga pagkataong niyuyurak nang onti-onti.
Nagitla na ang black-headed guy at napatigil sa pagtawa. Ngumisi ako at sa isang iglap ay sinasakal ko na siya. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya kinakaya ang lakas ko. Mas lalo siyang namutla nang inangat ko na siya sa sahig. Mas lalo ko pang hinigipitan ang pagkakasakal ko sa kaniya at kinuha ang punyal na nasa bulsa niya. Nilapit ko ang tenga niya sa bunganga ko.
"I'm also aroused babe." saad ko at dinilaan ang tenga niya, kasabay nang pagsaksak ko ng punyal eksakto sa puso niya.
"Congratulations Neferipitou! You passed and you are in the dagger section!"