CELESTINA's POV
Naisipan kong maglakad-lakad sa loob ng mall ngayong araw para makapag-relax at mabawasan ang aking mga iniisip ngunit parang hindi yata ganoon ang mangyayari.
Nagulat ako nang bigla akong may makabungguang babae at matumba ito sa aking harapan. Napahiyaw ng malakas ang babae at nakita kong agad nitong hinawakan ang kanang binti nito.
Kinabahan ako. Sa tingin ko ay hindi naging maganda ang pagkakabagsak ng babae sa tiled floor ng mall na iyon.
Nakita kong natuon sa direksyon ng babae ang atensyon ng ibang taong nasa loob ng mall. Marahil ay nakaagaw ng pansin ang malakas na paghiyaw ng babae. Parang minamasahe nito ang nasaktang kanang binti.
Agad akong yumuko sa babae para tanungin kung gusto nitong dalhin ko ito sa clinic para matingnan ang binti nito ngunit sinabi nitong ayos lamang ito at kailangan lamang daw nitong ipahinga sandali ang mga paa. Isinuhestyon kong mas maganda kung sa mall clinic na ito magpapahinga ngunit tumanggi ito.
Nagulat ako nang sabihin ng babae sa aking sa isang kainan ko na lamang ito dalhin dahil nagugutom na ito at kung maaari ay ilibre ko ito ng pagkain dahil sa naging abala ko rito. Agad na napataas ang aking kilay dahil sa sinabing iyon ng babae.
Mukhang ako pa yata ang sinisisi ng babaeng ito kung bakit ito natumba sa sahig when in fact ay aksidente lang naman iyon. Bigla na nga lang akong nagulat nang out of nowhere ay may nakabungguan ako rahil hindi naman ganoon karami ang tao sa loob ng mall na iyon para magkabungguan kami and I'm pretty sure na nakatingin ako sa aking dinaraanan while I was walking.
I can't be that careless lalo na nga at sa tuwing kasama ko ang aking anak na si Abigail ay maingat ako pagdating sa lahat ng bagay dahil umiiwas ako sa potential accidents. Kaya nakakadudang bigla na lamang kaming nakabungguan ng babaeng ito.
Dahan-dahang tumayo ang babae mula sa pagkakalupagi sa sahig ng mall. Inalalayan ko ito habang tumatayo. Nang magkaharap na kaming nakatayo ng babae ay nakita kong wala nang mga taong nakatingin sa amin.
Hay. Nakinood lang talaga ang mga taong iyon ngunit walang nag-offer man lang na tumulong dito sa babaeng makatayo.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanang binti ng babae at dahil sa pakiramdam ko ay may parte rin ako kung bakit ito na-out of balance ay muli akong nag-offer na dalhin at samahan ito sa clinic pero muli itong tumanggi at ipinilit na ilibre ko na lamang ito ng pagkain.
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking dalawang kilay habang nakaharap sa babae. Nang magsalita ako ay pinanatili ko pa ring kalmado ang tono ng aking boses.
Celestina: Look, alam kong nabunggo kita but it was an accident. Nabunggo natin ang isa't isa. Don't make it sound like I was so careless that's why I bumped into you. It wasn't intentional. Kung naabala ka, naabala rin ako.
Muli kong tiningnan ang kanang binti ng babae.
Celestina: Dahil sa tumumba ka sa sahig at nasaktan, that doesn't mean na ako ang may kasalanan. It was an accident.
Kumunot ang aking noo nang makita kong itiningala ng babae ang ulo nito at tinakpan nito ang mga butas ng ilong gamit ang isang daliri.
Babae: Grabe! Wooh! English! Nosebleed ako, be!
Lalong kumunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ng babae.
Celestina: What? Nosebleed? I don't see any blood, for Pete's sake.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ng babae at malakas na tumawa.
Babae: Baliw! Joke kasi 'yon. Ibig sabihin duduguin ang ilong ko sa kaka-English mo kasi hindi ko naman naiintindihan.
Lalong lumakas ang pagtawa ng babae at nanlaki pa ang aking mga mata nang pabiro akong hampasin ng babae sa aking kanang braso na para bang matagal na kaming magkakilala.
Babae: Pero biro lang din ulit 'yon. Kasi naintindihan ko naman ang lahat ng mga sinabi mo. Pinagaan ko lang ang mood kasi serious ka na, eh. Kaya nag-joke ako. Kaso hindi mo naman na-gets. Iba talaga ang humor ninyong mga mayayaman.
Nang marinig ko ang sinabing iyon ng babae ay parang gusto kong pabulaanan ang akusasyon nito.
Narinig ko na ang birong iyon dati. Ilang taon na rin ang nakalipas. Mula sa taong may malaki pa ring espasyo sa loob ng aking puso.
Parang nanunuksong bumalik sa aking isipan ang unang beses na narinig ko ang birong iyon mula sa lalaking aking inibig at hanggang ngayon ay iniibig pa rin.
Si Jay-R.
Hinihingal ako ng matindi rahil sa layo ng aking itinakbo kasama ang isang lalaki. Ang lalaking nagligtas sa akin mula sa kapahamakan. Nang lumingon ako sa aking likuran ay wala na akong nakitang mga taong sumusunod sa aming dalawa ng lalaki.
Tiningnan ko ang lalaking nasa aking kanan. Katulad ko ay hinihingal din siya at nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod habang hinahabol ang kanyang paghinga.
Kilala ko ang lalaking ito. Isa siya sa mga estudyanteng pumapasok sa paaralan kung saan ako nag-aaral. In short, schoolmates kami. Pero kahit kailan ay hindi nagkaroon ng chance na magkakilala kaming dalawa ng personal.
Ngayon lang.
At iyon ay depende sa aming dalawa.
Siguro naman ay tama lang na makipagkilala ako sa lalaki dahil iniligtas niya ang aking buhay mula sa mga masasamang loob.
Hinahabol pa rin ng lalaki ang kanyang paghinga nang bigla na lamang siyang lumingon sa akin. Nagkatitigan ang aming mga mata at sa kung anong dahilan ay parang biglang tumigil ang aking paghinga nang mga sandaling iyon.
Bakit ganito?
Kanina lamang ay hinahabol ko ang aking paghinga, pero bakit ngayon ay parang hindi na ako humihinga?
Ang mga titig na iyon sa akin ng lalaki ay kakaiba mula sa mga titig na natatanggap ko mula sa ibang kalalakihan. Para bang binabasa ng lalaking ito ang lahat ng mga emosyong maaari niyang makita sa aking mga mata.
Pakiramdam ko ay tumatagos sa aking kaluluwa ang mga titig na iyon ng lalaki. Para bang inaarok ng kanyang mga mata ang aking tunay na nararamdaman habang magkaharap kaming dalawa.
Animo'y nanunuot sa aking buong sistema ang matiim na titig na iyon ng lalaki na siyang dahilan kung bakit parang hindi ko maigalaw ang aking katawan. Para akong kinakabahan. Kung kanina ay parang hindi ako humihinga, ngayon naman ay ang bilis ng pintig ng aking puso.
What is happening right now?
Parang hindi ko maintindihan ang aking katawan ngayon. Halo-halo ang aking mga nararamdaman sa mga sandaling ito.
Nanlalambot ang aking mga tuhod habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Sa kanyang gwapong mukha.
Shocks!
Did I just say that?
Gwapo?!
Bakit mo pinupuri ang lalaking ngayon mo lang nakasama, Celestina?
Uhm, because he saved my life?
And now I'm talking to my inner voice. What the hell is wrong with me?
Tumuwid ng tayo ang lalaki. Mukhang bumalik na sa normal ang kanyang paghinga. Good for him, I guess.
While here I am, breathing erratically. Hindi alam kung paanong patitigilin ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Celestina: Will you stop staring at me?!
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking biglang pagsigaw sa harapan ng lalaki.
I didn't mean to do that. Siguro ay dahil nagpa-panic na ako dahil hindi ko alam kung paano pakikibagayan ang aking nararamdaman ngayon.
Nakita kong kumunot ang noo ng lalaki at maya-maya ay tumango.
Lalaki: Uhm, ganyan ka ba magpasalamat sa mga tao?
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ng lalaki at biglang nahiya sa aking sarili.
What am I doing? Bakit ko sinisigawan ang lalaking nagligtas sa akin kanina?
Alanganin akong ngumiti sa lalaki at pagkatapos ay yumuko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makipagtitigan sa kanyang mga mata habang ang aking mga tuhod ay parang nanghihina at gusto nang bumigay.
Celestina: I-I'm sorry. I-I didn't mean to yell at you. I-It was just that, uhm, I felt like I was a b-bundle of nerves and I-I didn't know---
Argh!
Bakit ako nauutal sa harapan ng isang lalaki?
This isn't you, Celestina, for Pete's sake.
Muli kong tiningnan ang lalaki at ganoon na lamang ang aking pagkataranta nang makita kong nakahawak siya sa kanyang ilong at parang pinupunasan iyon.
Lalaki: Aray! Dinudugo yata ang ilong ko! Nosebleed!
Agad akong nag-alala sa lalaki at nilapitan siya para i-check ang kanyang dumudugong ilong.
Celestina: Saan?! Nasaan ang masakit?! Tell me!
Natataranta ako ng sobra at iniisip na baka sa sobrang pagod sa pagtakbo naming dalawa ay nag-nosebleeding na ang lalaki.
At kung ganoon nga ay wala akong ibang sisisihin kundi ang aking sarili dahil idinamay ko pa sa gulo ang lalaking ito.
Nag-aalala kong sinisipat ang ilong ng lalaki nang mapansin kong parang pinipigilan niya ang kanyang sariling tumawa. Nasilip ko ang kapilyuhan sa kanyang mga mata at agad na nanlaki ang aking mga mata nang maisip ko ang posibleng kapilyuhang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.
Agad akong lumayo sa lalaki at nagulat ako nang makita at marinig ko siyang tumatawa ng malakas.
Gusto kong mainis sa lalaki dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako pagkatapos kong mag-alala para sa kanya.
Lalaki: Hindi naman talaga dumudugo ang ilong ko. Biniro lang kita dahil halos puro English words ang naririnig ko mula sa 'yo. Kahit nauutal ka na, English pa rin. Lalo kang kumu-cute.
Parang gusto kong batukan ng malakas ang lalaking ito dahil nag-alala ako para sa kanya, iyon pala ay binibiro lamang niya ako.
Argh!
Pero ang isa pang sinabi ng lalaki ay talaga namang nagbigay ng matinding epekto sa aking buong sistema.
He said, "lalo kang kumu-cute". He said that to me, meaning he already found me cute. It's just that I'm cuter at this moment of time.
Oh my, Celestina. Why does it sound like it's a big deal to you?
Big deal?!
Of course not! I'm used to hearing praises from both boys and men. Kaya wala lang sa akin ang papuring galing sa lalaking ito.
Really, Celestina?
Pretty sure!
Really?
Uhm, yeah.
Talaga?
Oo naman.
Sure na 'yan?
Lalo raw akong kumu-cute. Is that true?
Shocks!
Am I affected?
Lalaki: By the way, my name's Jay Ryker Abad. But you can call me Jay-R for short. O, English 'yon, ah.
Damang-dama ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi kasabay ng mabilis na pagkabog ng aking dibdib nang makita kong kumindat sa akin si Jay-R.
What's wrong with me, really?
Nagulat ako nang biglang ipinitik ng babaeng nasa aking harapan ang mga daliri nito na naging dahilan para matigil ako sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
Babae: Ano na? Reminisce-reminisce sa tanghaling tapat?
Nang muli kong tingnan ang mukha ng babae ay parang bigla akong may naalala.
She looks familiar.
Oh my.
Celestina: Dyosa?
Nakita kong nanlaki ang mga mata ng babae sa aking harapan at pagkatapos ay hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nang muli akong titigan ng babae sa aking mukha ay eksaherado itong napatakip sa bibig nito.
Dyosa: Celestina? Celestina ni Jay-R?!
Pagkarinig sa pangalang iyon ni Jay-R ay agad na nag-iba ang timpla ng aking mukha.
Celestina ni Jay-R.
Well, dati.
But come to think of it, si Jay-R pa rin naman ang itinitibok ng aking puso.
So I guess, yeah, Celestina ni Jay-R pa rin.
At parang gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil hindi nakikinig ang aking puso sa gustong mangyari ng aking isip.
----------
THIRD PERSON POV
Ibinaba ni Samantha ang kanyang phone sa dashboard ng kanyang kotse matapos mabasa ang reply ng kanyang best friend na si Celestina sa kanyang mensaheng siya na ang bahalang maghatid sa mister nitong si Brent sa bahay ng mag-asawa.
Nagpunta sa isang restaurant bar si Samantha matapos ang kanyang duty sa kanyang pagmamay-aring flower shop kanina para magpakalasing dahil gusto niyang pansamantalang makalimutan ang isang lalaking alam naman niyang hindi niya maaaring pagnasaan.
Ngunit parang nananadya ang pagkakataon nang makita ni Samantha sa bar counter ang lango na sa alak na asawa ng kanyang best friend. Si Brent Paleamor.
Hindi alam ni Samantha kung bakit nagpakalasing ang mister ng kanyang matalik na kaibigan pero parang gusto niyang magbunyi dahil malaya niyang natitigan ang gwapong mukha ni Brent kanina. Para itong isang anghel habang papikit-pikit na ang mga mata habang umiinom ng likidong nakalalasing.
Nang tuluyan nang malango sa alak si Brent ay nagprisinta na si Samantha na ihatid ito sa bahay nito. Nagpatulong si Samantha sa ilang staff ng restaurant bar na iyon na dalhin si Brent sa loob ng kanyang kotse. Tinitigan muna ni Samantha ang mukha ni Brent nang ilang minuto bago niya sinabihan si Celestina tungkol sa nangyari sa asawa nito.
Ngayon nga ay ihahatid na ni Samantha si Brent sa bahay nito at ng misis nitong si Celestina ngunit bago iyon ay parang may kung anong bumubulong kay Samantha na pagbigyan niya ang nararamdamang pagnanasa para kay Brent kahit ilang sandali lamang.
Tinitigan ni Samantha ang bahagyang nakabukang bibig ni Brent at parang may kung anong pwersang nagtutulak sa kanyang halikan ang mga labi ng mister ng kanyang matalik na kaibigan.
Nahahati ang isip ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi niya gustong traydurin ang kaibigang si Celestina ngunit ngayon lamang niya naramdaman ang matinding pagnanasa na ito para sa isang lalaki.
Simula nang makita ni Samantha ang malaking alaga ni Brent sa loob ng opisina nito ay hindi na iyon nawala pa sa kanyang isipan. Gabi-gabing pinagpapantasyahan ni Samantha na kaulayaw niya ang asawa ng kanyang kaibigan sa ibabaw ng kanyang malambot na kama.
Narinig ni Samantha na umungol ng mahina si Brent at ang ungol na iyon ang naging hudyat para tuluyan nang mapatid ang lubid ng pagpipigil sa sistema ni Samantha.
Ilang sandali pa ay nakita na lamang ni Samantha ang kanyang sariling hinahalikan ang malambot na mga labi ni Brent.
At ang inakala ni Samantha na sandaling paghalik niya sa lasing na si Brent ay tumagal nang ilang minuto.
Paulit-ulit na inangkin ni Samantha ang mga labi ng asawa ni Celestina.
----------
to be continued...