THIRD PERSON POV
Sa kailaliman ng gabi ay isang malakas na sigaw ang pumunit sa katahimikan sa loob ng madilim na kabahayan ng pamilya Paleamor.
Isang sigaw na humihingi ng tulong.
Sa bawat hakbang kasabay nang pag-asam na sana ay makalabas siya ng buhay mula sa madilim na silid na iyon ay ang sunud-sunod ding paglandas ng matulis na kasangkapan sa mukha ng taong humihingi ng tulong.
Pilit na nilalabanan ng biktima ang taong nakakapit sa kanyang buhok at hindi tinitigilan ang pagsugat sa kanyang mukha.
Bawat segundong lumilipas ay pahina nang pahina ang boses na lumalabas mula sa kanyang lalamunan. Hinihingal na siya sa patuloy na paglaban sa taong nais na sirain ang lahat sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas ngunit walang dumarating na tulong. Walang sumasaklolo sa babae. Nahihirapan na siyang huminga.
Hanggang sa unti-unting sumara ang mga talukap ng mga mata ng biktima. Tanging pagpintig na lamang ng kanyang puso ang maririnig ng diwang nagpupumilit na manatiling bukas.
Naramdaman ng biktima ang dahan-dahan niyang paglagapak sa sahig ng kwarto at makalipas lamang ang ilang sandali ay binalot na ng katahimikan at kadiliman ang kanyang kamalayan.
----------
Tahimik ang buong kuwarto. Tanging tunog lamang ng makina ng hospital monitor ang maririnig.
Beep…
Beep…
Beep...
Kasabay nito ang pag-angat at pagbaba ng dibdib ni Celestina na natutulog nang mahimbing o marahil ay mahigpit na nakakulong sa pagitan ng kamatayan at panaginip.
Dalawang linggo nang nakaratay si Celestina at hindi pa rin nagigising matapos ang insidente ng kanyang pagsigaw sa loob ng madilim na bahay ng mga Paleamor. Ang kanyang tirahan sa nakalipas na ilang taon kasama ang kanyang mag-ama.
Ang sugat sa mukha ni Celestina ay gumaling na sa ibabaw, ngunit ang pinsala na idinulot sa kanyang sistema ay mas malalim. Tila may kemikal o gamot na ipinainom sa kanya, dahilan ng kanyang malalim na pagkakatulog.
Sa paningin ng mga doktor ay comatose si Celestina. Pero sa mundo ni Celestina ay gising na gising siya. Hindi sa realidad kundi sa isang puwang na hindi niya kayang ipaliwanag.
Sa nakalipas na mga araw ay halos walang tigil ang pagdalaw ng mga taong nasa buhay ni Celestina sa kanyang panaginip.
Mga panaginip na hindi malinaw ang ibig sabihin. Kung may ipinapahiwatig ang mga ito ay hindi alam ni Celestina.
Isang gabi habang natutulog si Celestina ay muli siyang nagkaroon ng isang panaginip.
“There’s laughter in the quiet, a glass left half-drained,
Eyes that flicker sideways, secrets never named.
The mirror holds an echo, but it’s slightly bent,
A smile stitched too tightly, hiding what it meant.”
Nagising si Celestina sa isang lugar na pamilyar ngunit nakakatakot. Ang malaking bahay kung saan siya nakatira kasama ang kanyang mag-ama, ngunit walang ilaw. Ang sahig ay malamig at basa, parang bagong hugas ngunit may kahalong dugo.
Sa bumubulong na tinig ay nagsalita si Celestina.
Celestina: Bakit nandito ako? Ano ang nangyayari?
Mula sa dilim ay may naririnig na boses si Celestina. Mabagal, parang awitin, may mga liriko na paulit-ulit na umaalingawngaw.
“Whispers float like candle smoke,
Soft enough to make you choke.
I see two shadows leaning near,
But I can’t tell who I should fear.”
Habang lumalakad si Celestina sa kadiliman ng malaking bahay ay nakita niyang nakaupo si Jay-R sa mesa ng dining area.
Si Jay-R na dating kasintahan ni Celestina ngunit kanyang ipinagpalit para sa buhay na nakasanayan.
Sa hapag-kainan ay nakayuko si Jay-R at hawak ang isang baso ng alak. May ngiti sa mga labi nito na hindi maintindihan ni Celestina.
Maya-maya ay nagsalita ang taong iniwan ni Celestina para magpakasal sa ibang lalaki.
Nanatili ang lalaki na hindi tumitingin kay Celestina.
Jay-R: My high maintenance lady, kahit saan, kahit kailan, hindi mo ako maiiwasan.
Nanginginig ang katawan ni Celestina habang naririnig ang mga salitang binabanggit ng kanyang dating kasintahan. Hindi niya alam kung nakikita ba siya ni Jay-R o isa lang itong anino ng kanyang takot.
Biglang bumukas ang pintuan ng dining room at pumasok doon si Culver. Ito ang dating masugid na manliligaw ni Celestina.
May dalang kandila si Culver. Ang liwanag na nagmumula sa hawak nito ay tumatama sa gwapong mukha nito na kababakasan ng labis na kaseryosohan at puno ng kaba.
Culver: Celestina, tumakbo ka na. Hindi ligtas dito.
Sa kinakabahang tono ng boses ay sinagot ni Celestina ang sinabi ni Culver.
Celestina: Culver, ano ang ibig mong sabihin? Sino---
Pero bago pa matapos ni Culver ang sinasabi nito ay nawala na ang kandila sa kamay nito, parang hinipan ng hangin. Naglaho rin si Culver kasabay ng pagdilim ng buong silid.
“The floorboards creak at midnight, footsteps not my own,
A scent of borrowed perfume, carved into the stone.
Laughter like a dagger, gentle yet it bleeds,
Harvest from the garden where betrayal plants its seeds.”
Muling naglakbay sa panibagong panaginip si Celestina at sa pagkakataong ito ay nasa loob siya ng flower shop ni Samantha. Ang kanyang matalik na kaibigan.
Mabango ang paligid ng flower shop, ngunit ang bawat bouquet ay may nakatagong sugat, parang mga talulot na may hiwa at nagdurugo.
Si Samantha ay nakatalikod kay Celestina at abala sa pag-aayos ng mga bulaklak.
Samantha: Hindi lahat ng bulaklak ay para sa iyo, Celes. Minsan, sa maling tao sila iniaabot.
Paglingon ni Samantha sa direksyon ni Celestina ay nakita niya ang kanyang sariling mukha sa halip na mukha ng kaibigan. Ngunit ang bersyon na iyon ng kanyang mukha ay may hiwa, kaparehong sugat na nasa kanyang pisngi ngayon.
Malakas na sumigaw si Celestina sa harapan ng kanyang best friend.
Celestina: Ikaw ba ang gumawa nito sa akin?!
Si Samantha na may wangis ni Celestina ay malamig na nakangiti.
Samantha: Hindi lahat ng kaibigan ay tunay na kaibigan, Celestina. Minsan ay sila pa ang naghahatid ng pinakamabangong patibong.
Nagsimulang gumalaw ang mga bulaklak na parang may buhay ang mga ito. Ang bawat talulot ay bumubulong ng mga salitang hindi maunawaan ni Celestina. Hanggang ang mga salitang iyon ay naging himig ng isang kanta.
“Windows shut but curtains sway,
Hands brush past then slip away.
I trace the outline of a crime,
That hasn’t happened yet in time.”
Sa isang iglap ay nasa likod-bahay na ng kanilang property si Celestina. Doon ay nakita niya si Brent, ang kanyang asawa.
Nakaluhod si Brent habang pinaglalaruan ang isang lighter. May kaharap itong silhouette ng isang babae, ngunit hindi malinaw kung sino.
Dahan-dahang lumakad si Celestina para lapitan ang kanyang asawa.
Celestina: Brent, hon, ano ang ginagawa mo?
Tumingala si Brent at nakita ni Celestina na hilam sa luha ang mga mata nito.
Brent: Celes, hon, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat. Minsan ang kasalanan, kahit anong gawin ko, ay hindi nawawala. Isa lang ang paraan.
Nagulat si Celestina nang magsindi ng apoy si Brent sa hawak nitong lighter at ang paligid ay biglang nagliyab. Pero ang nasusunog ay hindi ang bahay nilang mag-asawa kundi mga larawan.
Nang titigan ni Celestina ang mga larawang iyon ay nakita niya ang litrato nilang mag-asawa kasama si Abigail, litrato ng kasal nila ni Brent, at pati na ang mga alaala.
Habang nakaluhod at nakatingalang lumuluha ay malakas na sumigaw si Brent.
Brent: Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang tiwala mo!
Nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi ni Celestina dahil sa takot sa naglalakihang mga apoy sa paligid.
Celestina: Tigil na, Brent! Please!
Maya-maya ay biglang lumitaw si Sophie mula sa likuran ni Celestina, hawak-hawak ang isang cellphone sa kanang kamay nito na nakatutok sa kanilang dalawa ni Brent.
Kinukuhanan ng video ni Sophie ang mag-asawa gamit ang hawak nitong cellphone na parang nanonood lang ng isang magandang palabas.
Patuloy ang pagluha ng nakaluhod na si Brent sa harapan ni Celestina habang nakatingala sa mukha ng asawa nito.
Si Celestina ay patuloy din ang pagluha dahil sa takot na nararamdaman habang inililibot ang paningin sa nagliliyab na mga apoy hanggang sa matuunan ng kanyang mga mata ang pinsang si Sophie.
Nakita ni Celestina ang isang malaking ngiting nakapaskil sa mukha ni Sophie.
Sophie: At sino ang tunay na may kasalanan, pinsan? Ako ba o ikaw mismo na pinili siyang patawarin kahit hindi karapat-dapat?
Matagal na tinitigan ni Celestina ang kanyang pinsan bago muling nilingon ang nakaluhod at nakayukong si Brent.
Nang muling tingnan ni Celestina ang buong paligid ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nasasaksihan. Malaki na ang apoy sa paligid. Animo’y nararamdaman na niya ang init sa kanyang balat at pumapaso sa kanyang buong sistema.
Nang muling balingan ni Celestina ang asawang si Brent ay nakayuko pa rin ito at patuloy na umiiyak.
At nang lingunin ni Celestina ang pinsang si Sophie ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi nito habang nakatutok sa kanyang mukha ang hawak nitong cellphone.
Maya-maya ay isang malakas na dagundong ang narinig ni Celestina na naging dahilan para tingalain niya ang langit. Bumuhos ang napakalakas na ulan.
Naglalaban ang ulan at apoy at nang maramdaman ni Celestina ang paggalaw ng lupa sa kanyang ibaba ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang unti-unti itong nagkakaroon ng bitak.
Tuluyang huminto sa pagtulo ang mga luha ni Celestina nang mapuno ng kaba ang kanyang puso dahil sa nakikita niyang unti-unting paghihiwalay ng lupa sa kanyang ibaba.
Nakaramdam ng takot si Celestina nang tuluyang bumuka ang lupang kanyang kinakatayuan at isang malakas na sigaw ang kumawala sa kanyang bibig nang sabay-sabay silang mahulog nina Brent at Sophie sa kawalan.
“The clock is stalling,
Breath is crawling,
Names are whispered in the dark.
Promises breaking,
Windows shaking,
Truth is hiding in the mark.
I hear a laugh that isn’t mine,
A melody that twists the spine,
Like strings pulled tight beneath the floor,
How many shadows? Maybe more.”
Nang magmulat muli ng mga mata si Celestina pagkatapos mahulog sa kadiliman ay nakatayo na siya sa gitna ng isang mahabang mesa.
Sa magkabilang dulo ng mesa ay naroon sina Jay-R, Brent, Samantha, Sophie, at Culver. Tahimik silang nakaupo at nakatitig kay Celestina.
Sa gitna ng mesa ay may isang malaking birthday cake katabi ni Celestina at sa ibabaw nito ay may mga itim na kandila ang nakatusok. Dahan-dahang umilaw ang mga kandila nang sabay-sabay.
Tiningnan ni Celestina ang mga taong kasama niya sa mesa nang isa-isang nagsalita ang mga ito.
Brent: Kulang ang patawad, Celestina. At sa kakulangan, doon ako muling babagsak.
Puno ng pagsisisi ang mukha ni Brent habang nakatingin sa misis nitong si Celestina.
Samantha: Hindi lahat ng ngiti ay para sa iyo, Celes.
Walang mababakas na anumang emosyon sa mukha ni Samantha habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Celestina.
Sophie: Ang tunay na kaaway ay nasa tabi mo lang, Celestina.
Punung-puno ng pang-uuyam ang tono ng boses ni Sophie habang nakakalokong ngumiti sa pinsan nitong si Celestina.
Culver: Huwag kang maniwala sa liwanag, Celestina, dahil minsan iyon pa ang pinakamalaking kasinungalingan.
Puno ng pag-aalala ang mukha ni Culver habang binibigyan nito ng babala ang babaeng minsan na ring inibig.
Jay-R: Sa huli, ako pa rin ang alaalang hindi mo makalimutan.
Nang tingnan ni Celestina ang mga mata ni Jay-R ay puno iyon ng galit para sa kanya.
Hindi alam ni Celestina kung bakit bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha habang sinasalubong ang nakamamatay na titig na iyon ng dating kasintahang si Jay-R.
Naninikip ang dibdib ni Celestina at parang anumang oras ay sasabog iyon dahil sa nararamdaman niyang halo-halong emosyon.
Ilang sandali pa ay may liriko ng awitin ang pumailanlang sa kwartong iyon at sabay na binigkas ng limang taong nakaupo sa magkaibang dulo ng mesa na halos magparindi sa mga tainga ni Celestina.
“Shadows at the table, sitting where they don’t belong,
Every silence feels like thunder, every glance a twisted song.
If I listen hard enough, I hear the truth between their lies,
But the ghost is never speaking,
It just stares with borrowed eyes.”
Ang mga tinig nila ay naghalo, naging parang isang orasyon na unti-unting bumabalot kay Celestina.
Celestina: Tama na! Tama na!
Ngunit habang isinisigaw niya iyon, unti-unting nabubura ang kanyang mga daliri, ang kanyang kamay, hanggang sa buong katawan niya ay nagiging abo.
“The wine stains on the linen, look like bleeding hands,
The photograph keeps watching, though no one understands.
I’m choking on the sweetness that drips between their teeth,
Two dancers circling fire, while I crumble underneath.”
Sa hospital bed, kumislot ang daliri ni Celestina. Ang mga mata niya ay gumalaw sa ilalim ng talukap.
Nurse: Doktora! Gumalaw si Ma’am Paleamor!
Ang kanyang katawan ay nanatiling nakaratay, ngunit sa loob ng kanyang isipan, alam niyang may babala ang lahat ng kanyang panaginip. Hindi iyon basta ilusyon, kundi premonisyon.
At sa huling iglap bago siya muling lamunin ng dilim, narinig niya ang huling linya ng kanta hindi galing sa panaginip, kundi tila mismong bumubulong sa kanyang tenga.
“So pour another glass, pretend the night is kind,
But shadows slip through fingers when the lights are left behind.
I’ll carve the truth in silence, let the laughter rot away,
For the shadows at the table
Always find a place to stay.”
----------
to be continued...