JAY-R’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may umaalog ng aking kanang paa. Akala ko pa ay nananaginip ako sa una ngunit nang hindi huminto ang paggalaw ng aking paa ay dahan-dahan na akong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kama. Kasabay nang aking paghikab ay ang pagngiti sa akin ng batang nasa paanan ng aking hinihigaan. Katulad nang dati ay ito na naman ang gumising sa akin bago pa tumunog ang alarm ng orasan na nakapatong sa aking bedside table. Ngumiti akong pabalik sa bata at lumakad ito palapit sa aking tabi. Katulad nang mga nagdaang araw ay gumaan ang aking mabigat na pakiramdam pagkakita sa batang si Wesley. Wesley: Good morning po, Papa. Bangon na po kayo. Sabado po ngayon. Hindi ba mamamasyal po tayo? Mula nang dumating sa buhay ko an

