CHAPTER 10

2271 Words
CELESTINA's POV Hindi ako mapakali at pabalik-balik akong naglalakad ngayon dito sa loob ng master's bedroom namin ng aking asawang si Brent. I still can't believe it. Muli kaming nagkita ni Jay-R. My first crush, my first love, my first boyfriend, my first kiss, and my first... Sandali akong natigilan. Muling bumalik sa aking isipan ang gabing iyon na paulit-ulit akong inangkin ni Jay-R. Jay-R was the one who popped my cherry. That night he made me his. Akala ko ay si Jay-R na ang aking magiging una at huli, but due to my wrong decisions in life ay nawala siya sa akin. Nawala sa akin ang lalaking aking pinakamamahal. Years have passed but I still keep on loving Jay-R. Hindi nawala ang pagmamahal ko para kay Jay-R, whether I admit it or not. I have kept Jay-R in my heart. And that's the main reason kung bakit hindi ako gaanong nasasaktan sa panloloko sa akin ni Brent. Dahil hindi naman puso ko ang nasaktan sa ginawang pagtataksil ni Brent. Pride ko lang ang nasaktan when Brent cheated on me. Nasaktan ako rahil pakiramdam ko ay iyon na ang karma ko sa lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay. Nasaktan ako rahil alam kong ako ang may kagagawan kung bakit nangyari sa akin ang bagay na iyon. Hindi sana ako masasaktan if only I chose to marry Jay-R. But because of the lifestyle that I can't give up kaya nahihirapan ang aking damdamin ngayon. Nakita ko ang sakit, pait, at galit sa mga mata ni Jay-R pagkakita niya sa akin kahapon. Nasisiguro kong may hinanakit pa rin sa akin si Jay-R dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya rati. Tumingala ako sa kisame ng aming kwarto ni Brent at malalim na nagbuntung-hininga. Bumalik sa aking isipan ang araw na nagpadala ako ng liham kay Jay-R para ipaalam dito ang araw ng aming kasal ni Brent. Inihayag ko sa sulat na iyon na kung talagang mahal ako ni Jay-R ay pipigilan niya ang magiging kasal namin ni Brent. But Jay-R didn't come to my wedding. Hindi pinigilan ni Jay-R ang kasal namin ni Brent. I gave Jay-R a chance to stop the wedding para malaman kung napatawad na niya ako sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya and if he still loves me. Pero hindi ginawa ni Jay-R. That's when I realized na hindi ako ganoon kamahal ni Jay-R. Na hindi totoo ang mga binitiwang pangako sa akin ni Jay-R. Na ang lahat ay kasinungalingan lamang. Pero na-realize ko ring ako ang unang nang-iwan. Ako ang unang tumalikod sa aking pangako kay Jay-R. Siguro ay iyon ang parusa sa akin ni Jay-R. Ang tuluyan na akong kalimutan. Kaya naman mula nang maikasal ako kay Brent ay sinubukan kong kalimutan si Jay-R at mahalin si Brent sa paraang alam ko. But I was just fooling myself by doing that. Maaaring may mga araw na hindi ko naiisip si Jay-R pero alam kong naroon lamang siya sa sulok ng aking isipan at kailanman ay hindi siya nawala sa aking puso pilitin ko man ang aking sariling kalimutan siya. I've been miserably loving Jay-R all these years. And it hurts me to see the pain, bitterness, and anger in his eyes all at the same time. I hurt Jay-R so much. And I don't know if I can forgive myself for hurting the man I truly and only love. Hindi ko namalayang dumadaloy na pala ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Celestina: Jay-R, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. ---------- THIRD PERSON POV Alam ni Brent na hindi rapat siya naroon sa loob ng bahay na iyon ni Sophie pero hinahanap-hanap pa rin ng kanyang sistema ang presensya nito. Si Sophie ang pinsan ng kanyang asawang si Celestina. Si Sophie na itinuturing na mortal na kaaway ni Celestina. Si Sophie na naging dahilan ng unang pagtataksil ni Brent kay Celestina. Alam ni Brent na mahal niya pa rin ang kanyang misis na si Celestina. Si Celestina ang unang babaeng inibig ni Brent. Nahulog agad ang kanyang loob sa babae pagkakita pa lamang dito sa kauna-unahang pagkakataon. Kaya naman nang ipagkasundo si Brent kay Celestina ng kanyang ama at ng ama ng babae ay hindi siya tumutol dahil alam niya na agad sa kanyang sarili na si Celestina ang babaeng gusto niyang makasama magpakailanman. At sa tuwing dumadalaw si Brent kay Celestina noon bago ang itinakdang araw ng kanilang kasal ay lalo pang nahulog si Brent kay Celestina dahil sa mga katangian nitong taglay. Ngunit nakikita rin ni Brent sa mga mata ni Celestina noon na hindi ito totoong masaya sa tuwing kasama siya. Hindi nakikita ni Brent na umaabot sa mga mata ni Celestina ang mga ngiting iginagawad nito sa kanya. Pero rahil sa pagmamahal ni Brent kay Celestina ay ipinagsawalang-bahala niya ang mga napapansin niyang iyon kay Celestina. Ipinangako ni Brent sa sarili na makukuha niya rin ang loob ni Celestina lalo na nga kapag naging mag-asawa na sila. Bago ang itinakdang araw ng kasal nina Brent at Celestina ay hindi sinasadyang natuklasan ni Brent na may ipinadalang sulat si Celestina sa isang taong naninirahan sa probinsya nito. Sa tulong ng kinuhang private investigator ni Brent ay natuklasan niya kung sino ang taong iyon na pinadalhan ng sulat ni Celestina. Nagdilim ang paningin ni Brent nang malaman niya mula sa private investigator kung ano ang totoong relasyon ni Celestina sa lalaking iyon na pinadalhan nito ng liham. Agad na kumilos si Brent para hindi mapigilan ng lalaking iyon ang magiging kasal nila ni Celestina. Sinigurado ni Brent na hindi makararating sa kanilang kasal ni Celestina ang lalaking iyon. At iyon nga ang nangyari. Hindi nakarating ang lalaking iyon sa itinakdang araw ng kasal nina Brent at Celestina. Ang akala ni Brent ay nagtagumpay na siyang tuluyang maangkin si Celestina nang maging asawa na niya ito at magkaroon sila ng isang anak. Ngunit sa bawat araw, buwan, at taong lumilipas ay hindi pa rin nakikita ni Brent sa mga mata ni Celestina ang saya sa tuwing kasama siya. Hindi kailanman nakita ni Brent sa mga mata ni Celestina ang pagmamahal na hinahanap niya mula roon. Hindi pa rin nagawa ni Brent na mahalin siya ni Celestina sa kabila ng pagpapakita niya rito ng pagmamahal, pag-aalaga, at pang-unawa. Nabigo si Brent. Sa tingin ni Brent ay hindi na darating ang panahong mamahalin siya ni Celestina. Nakaramdam ng pagod at awa sa sarili si Brent. Kasabay niyon ay nakaramdam si Brent ng galit kay Celestina rahil hindi matanggap ng kanyang ego na ang nag-iisang babaeng minahal niya ay hindi siya kailanman minahal pabalik. At dahil sa galit na iyon kaya naisipan ni Brent ang gumanti kay Celestina at ang paraang naisip niya ay ang pagtaksilan ito kasama ang babaeng alam niyang mortal nitong kaaway. Iyon nga ay ang pinsan ni Celestina na si Sophie na simula sa pagkabata pa lamang ay hindi na kasundo at laging nakakaaway ni Celestina. Sinubukang makipaglapit ni Brent kay Sophie at hindi niya inaasahang matagal na palang may gusto sa kanya ang pinsan ng kanyang asawa. Sinamantala ni Brent ang katotohanang gusto siya ni Sophie para gamitin ito sa kanyang paghihiganti kay Celestina. At nang handa na si Brent na ipangalandakan kay Celestina ang affair niya sa pinsan nito para saktan ang kanyang asawa ay nakiusap si Sophie na patagalin pa muna nila ang panloloko kay Celestina. Gusto ni Sophie na magpakita si Brent ng mga senyales kay Celestina ng kanyang pangangaliwa para ma-paranoid ito na sinang-ayunan naman ni Brent dahil magandang paraan iyon para paglaruan ang emosyon ng kanyang asawa. Natatabunan ng sakit at galit ang pagmamahal ni Brent para kay Celestina kaya pumayag siya sa kagustuhan ni Sophie na magtanim siya ng buto ng paghihinala sa utak ng kanyang asawa. Kaya naman nagsimulang mag-overtime si Brent sa trabaho na minsan ay inaabot ng madaling-araw. Sinasadyang ipahalata ni Brent kay Celestina na lumalayo siya sa tuwing may tumatawag dito tuwing weekend para maghinala ang kanyang asawa. Sinasadya ring umalis ni Brent ng bahay tuwing weekend para pumasok ng trabaho rahil alam niyang magtataka si Celestina sa bagay na iyon. Ideya naman ni Sophie na lagyan ni Brent ng password ang kanyang phone at gamitin ang password na hindi niya madalas gamitin. Sa tuwing papasok si Brent ng banyo ay sinisigurado muna niyang nasa paligid si Celestina para makita nito ang pagbitbit niya ng kanyang cellphone papasok ng banyo. Isang beses ay winisikan ni Sophie ng branded perfume nito ang kwelyo ng isa sa mga long-sleeved polo ni Brent. May isang pagkakataon ding nag-iwan ng kiss mark si Sophie sa collar ng long-sleeved polo ni Brent. Mas naging banidoso rin si Brent at dinalasan niya ang pagpunta sa gym para pagyabungin pa ang buto ng paghihinala sa utak ni Celestina. Kumuha rin sina Brent at Sophie ng isang babae para gamiting decoy sakaling dumating ang panahon na pumunta si Celestina sa office ni Brent para kumpirmahin ang mga hinala nito. Dahil sa babae si Sophie kaya alam niya kung paano tumatakbo ang isipan ng isang babaeng naghihinala sa asawa nito. At iyon nga ang nangyari. Sumugod si Celestina sa opisina ni Brent at nakita nito na nakikipagtalik si Brent kay Queenie, ang babaeng decoy na kinuha nina Brent at Sophie. Agad na ibinalita ni Brent kay Sophie ang nangyari at sinabihan siya ni Sophie na humingi ng tawad kay Celestina para maramdaman nitong nagsisisi siya sa kanyang kasalanan dito. Si Sophie rin ang nagsabi kay Brent ng dapat niyang sabihin kung halimbawang magtanong si Celestina kung bakit siya nagtaksil dito. Sinabi ni Sophie kay Brent na kailangan muna niyang makuhang muli ang tiwala ng kanyang asawa bago nila ibubulgar sa mukha ni Celestina ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa. Sinabi ni Sophie kay Brent na mas masasaktan ang pride ni Celestina kung malalaman nitong muling nagtaksil ang asawa rito at ang masama pa roon ay ang mortal na kaaway nito na pinsan pa nito ang other woman ng asawa. Sinabi pa ni Sophie na mag-lay low muna sila ni Brent para pahupain ang galit ni Celestina pero sadyang nami-miss na ni Brent ang presence ni Sophie. Parang mauubusan ng hangin sa katawan si Brent sa tuwing hindi nasisilayan ang ganda ng babaeng kasama niya ngayon. Hindi alam ni Brent kung umiibig na siya kay Sophie ngunit ang sigurado siya ay ito ang nagpapainit ng kanyang katawan at hindi na ang kanyang asawa. Mahal pa rin naman ni Brent si Celestina pero sa tuwing nakakasama ni Brent si Sophie ay bumabangon ang kanyang pride na ilang beses na tinapakan ni Celestina rahil sa hindi siya kayang mahalin ng asawa. Sophie: Ikaw talaga. Sabi ko mag-lay low muna, 'di ba? Nakangising lumapit ang hubo't hubad na si Brent kay Sophie at isa-isang hinubad ang mga saplot ng babae sa katawan. Napatili si Sophie nang bigla itong buhatin ni Brent at dalhin sa en suite bathroom ng kwarto ng babae. Nasa loob ng shower room sina Brent at Sophie. Buhat ni Brent ang mga hita ni Sophie habang nakasandal ang likod nito sa tiled wall ng shower area. Nakapaikot ang mga binti ni Sophie sa baywang ni Brent habang nakakapit naman ang mga bisig nito sa leeg ng lalaki. Naghahalikan sina Brent at Sophie habang nakapasok sa loob ng yungib ni Sophie ang malaking alaga ni Brent. Malalim ang halikan nina Brent at Sophie na para bang ipinaparamdam sa halik na iyon kung gaano sila parehong nasabik sa isa't isa. Maya-maya ay dahan-dahang ibinaba ni Brent si Sophie. Sandaling hinugot ni Brent mula sa yungib ni Sophie ang kanyang naghuhumindig na alaga at pinaharap si Sophie sa tiled wall ng shower area. Nakatukod ang dalawang kamay ni Sophie sa tiled wall habang muling ipinapasok ni Brent ang matigas na alaga sa nag-aapoy sa init na yungib ni Sophie. Umungol ng malakas si Sophie nang bumilis ang pag-ulos ng malaking alaga ni Brent sa loob ng kanyang yungib. Napatili ng malakas at nanlaki ang mga mata ni Sophie nang biglang buhatin ni Brent ang mga hita nito habang patuloy pa rin ang pagbayo ng alaga ni Brent sa hiyas ni Sophie. Naglandas ang mga kamay ni Brent mula sa mga hita ni Sophie hanggang sa mga binti nito at iniangat iyon sa ere. Malaki na ang pagkakabukaka ng mga hita ni Sophie sa ere habang nakaharap ito sa tiled wall ng shower area at madiing bumabaon sa yungib nito ang mahabang alaga ni Brent. Dumadaloy ang tubig sa katawan nina Brent at Sophie habang parehong nag-iinit ang kanilang pakiramdam dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Nakatingala na sa kisame ng banyo si Sophie habang humihigpit ang kapit ng hiyas nito sa malaking alaga ni Brent. Naglalabasan na ang mga ugat sa biceps ni Brent habang buhat ang mga binti ni Sophie at madiing umuulos sa loob ng yungib ng babae. Napasandal sa kanang balikat ni Brent ang ulo ni Sophie na naging dahilan para kagatin ni Sophie ang kanang tainga ni Brent. Dahil sa pagkagat na iyon ni Sophie sa tainga ni Brent ay napaungol ng malakas si Brent at bumilis ang kanyang pagbayo sa hiyas ni Sophie na nagpatirik sa mga mata nito. Ilang sandali pa ay nakaraos si Sophie at kasabay nang pag-agos ng katas nito sa katawan ng alaga ni Brent ay ang sunud-sunod na pagbulwak ng mga likido ni Brent sa kaloob-looban ni Sophie. Napuno ng mga malalakas at mahahabang ungol ang loob ng banyo. Hingal na hingal si Sophie habang si Brent ay nagsalita sa kanyang isipan. Sana ay mapatawad mo pa ako, Celestina. Pero parang nahuhulog na rin ang aking loob kay Sophie. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD