“YOUR father is a great man.” “Alam ko, tatay ko siya, eh,” magaspang na sagot ni Joy kay Joshua. Nasa unahan sila ng jeepney, samantalang natutulog naman sa likuran ang tatay niya. Mainit pa kaya mamaya na lamang nila ipagpapatuloy ang pamamasada. Ngumiti ito. “Sana noon ko pa sila nakilala. Sana noon pa man, nagpaalam na ako sa kanya. Iba siguro ang naging sitwasyon natin kung hindi ako sumunod sa `yo.” “Puwede ba, Josh?” naiinis na sabi niya. Umiinit ang ulo niya dahil kung makaasta ito ay tila tunay na tunay ang nadama nito noon sa kanya. “Kung anuman itong drama mo, tigilan mo na. Manliligaw ka sa akin? Hibang ka ba? Lahat talaga ay gagawin mo para makuha lang ako, `no?” He sighed. “Oo, lahat talaga ay gagawin ko para makuha ka lang. I want you. I w
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


