NAKAKAILANG shot na ng alak si Joshua. Si Joy Balboa na naman ang dahilan kung bakit siya umiinom. Ito at ang alaala ng magandang nakaraan nila. Hindi niya alam kung bakit ayaw pa ring tumigil ng puso at isip niya sa pag-alala sa nakaraan nila. Pinagtatakhan niya kung bakit ayaw lumabo ng mga alaala kahit lunurin na niya ang mga iyon sa alak. Kahit nasasaktan siya, patuloy pa rin niyang binabalik-balikan ang nakaraan. They were two different individuals now. Sa mga nakalipas na taon ay sinikap niyang lumayo kay Joy. He acted as if he didn’t know her. Hindi niya ito kinakausap. Hindi niya binabati kahit nakakasalubong niya. Pilit na umiiwas siya sa babae. Ngunit lingid sa kaalaman nito ay inaalam niya ang mga bagay-bagay tungkol dito. He silently cheered her on wh

