Maaga akong nagising upang magsimulang magsanay. This is new to me, but I need to do it.
"Ang aga niyo pong nagising," a servant noticed me heading out.
"Magsasanay ako ngayon, mayroon ka bang kilala na maaaring tulungan ako?"
Shock was evident on her face, but she quickly recovered.
"Ang ina niyo po ang isa sa pinakamalakas sunod sa inyong ama, ang Alpha. Matanda na po ang mahusay na gurong palaging pinupuntahan ng mga bagong sibong na lobo kaya tuluyan pong tinatapak tapakan ang ating tribo dahil wala na pong nagtuturo at nagpapahalaga sa tribong ito simula ng umalis ang Alpha at magkasakit ang guro,"
"Nais man po naming magsanay ngunit ni isa po sa amin ay wala rin pong alam pagdating sa ganyan. Pasenya na po kung wala po akong mairekomenda sa inyo."
She bowed and walked away. Kung walang nagpapahalaga at walang marunong makipaglaban sa kanila, paanong hanggang ngayon ay buhay parin ang tribong ito? Paanong hanggang ngayon ay hindi pa sila nauubos?
"Anak," napalingon ako sa boses na aking narinig.
"Mommy, ano pong ginagawa niyo dito? Maaga pa po."
Lumapit siya sa akin at tinitigan ako ng maigi. She smiled at me.
"Narinig kong nais mong mag ensayo. Nais kong ako mismo ang magturo sayo, anak," biglang lumamlam ang mga mata niyo, "paniguradong kung nandito ang papa mo, siya mismo ang magtuturo sayo."
I gave her a reassuring smile.
"Wag kang mag-alala mommy. Hindi ko pababayaan ang tribong iningatan at inalagaan ni papa. Bubuhayin ulit natin ang tribong ito na siguradong katatakutan nila tulad ng dati."
Matapos ang usapan ang nag-ayos si mommy ng kaninang sarili upang kami ay makapag-umpisa sa page-ensayo.
Habang inaayos ni Mommy ang kaniyang buhok gamit ang pulang panyo, tahimik lang akong nakatingin. Sa unang pagkakataon, nakita ko siya hindi lamang bilang ina, kundi bilang isang mandirigmang minsan ay kinatatakutan.
“Handa ka na ba, anak?” tanong niya habang pinapahid ang huling patak ng langis sa kanyang mga kamay.
Tumango ako. “Handang-handa na po, Mommy.”
We walked toward the old clearing behind our home. Sabi ng matatanda, dito raw unang natutong lumaban si Papa. Ang lupa ay tuyot, matigas, pero may bakas pa ng mga yapak at marka ng mga nakalipas na laban. There was history in the ground.
“Ang una nating pag-aaralan,” sabi ni Mommy habang tumayo siya sa gitna ng bilog na guhit sa lupa, “ay disiplina. Hindi lakas ang unang kailangan. Kundi ang isip… at puso.” Itinuro niya ang kanyang ulo sunod ang kanyang dibdib.
She moved swiftly, isang ikot, isang hakbang pababa, then a sharp stop. Umawang ang aking labi, halos hindi ko nasundan ang galaw niya. She was graceful, but lethal.
“Subukan mo,” sabi niya, her eyes never leaving mine.
Sinubukan kong gayahin. Mabigat pa ang katawan ko. I was clumsy, unsure, but I didn’t stop.
“Magaling. Pero kulang pa. You lack speed. Kulang sa puso.” Tinapik niya ang dibdib ko. “What is your reason for fighting?”
Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa mga mata ng aking ina, “Para protektahan ang tribo. Para sa kaligtasan ng lahat. Para sa iniwan ni Papa.”
Tumango si Mommy. And then I saw it, isang patak ng luha sa kanyang mata. “Yan ang sagot na dapat magsindi ng apoy sa bawat kilos mo.”
From the edge of the forest, may narinig kaming marahang yabag. A shadow approached, matanda, kuba, may hawak na tungkod na may ukit ng mga lobo. There was power in his presence.
“Hindi ko inakalang makakakita pa ako ng nagniningas na diwa sa tribong ito,” sabi ng matanda.
Napatingin kami ni Mommy sa matanda. Nakita ko ang tuwa sa muka ni Mommy.
“Guro?” bulalas niya. “Akala namin hindi na kayo babalik!”
Ngumiti ang matanda. “Narinig kong may batang gustong bumuhay muli sa tribo. If that’s true, someone must teach her the old ways.”
Hindi ako makapaniwala. It felt like a silent prayer had been answered.
“Kaya mo ba akong tanggapin bilang isa pang tagapagsanay?” tanong ng matanda, inabot ang kanyang tungkod.
Hinawakan ko ito. It was heavy. But I held it with both hands.
“Opo. Buong puso ko po kayong tinatanggap.”
And right there, under the gray morning sky, the true training began—not just of body, but of spirit.
__________________________________________________________________________________________
xoxo, Spread Love