MONTHS PASSED LAURA'S POV "Ano? Seryoso na ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Be asa akin kaya naman tumango ako sa kaniya bilang pag-sang ayon sa sinabi ko. "Sabagay three months na rin kayo ni Jules. Okay na siguro kung ipakikilala ka niya sa mga anak niya," sambit niya. Ang totoo kinakabahan ako. Umabot kami ng three months at walang nakaka-alam noon kundi ang mga taong malapit lang sa amin. "Ano na naman yang nasa isip mo?" tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa kania. "Ninenerbyos ako, Besh. Paano kung di ako matanggap ng anak at magulang niya?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya saglit. Mukhang pati siya alam na ang mangyayari. "Alam mo, Beh. Masyado kang paranoid. Umayos ka nga. Malay mo naman magustuhan ka nila," sabi niya habang pinapaga

