LAURA's POV Kinakabahan akong nag-drive papuntang coffee shop. Hindi ko alam kung ano na lang ang sasasabihin ko kay Peter kapag nagkita kami. Ayoko rin na may masabi si Miss Nguyen. Kaya sobra akong kinakabahan sa maaring mangyari. Paano kung galit sa akin si Peter? Ilang minuto ang lumipas nang makarating ako sa coffee shop. Mas lalong lumabas ang kabog ng dibdib ko. Kahit na naka-park na ako ay hindi ko magawang lumabas. Ilang saglit pa ay nagdesisyon na akong lumabas at harapin sila. Kailangan ko silang harapin. Himdi naman pwedeng habang buhay ko siya iiwasan. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Humanap ko kung asan si Miss Nguyen. Nakita ko naman siya sa di kalayuan habang busy sa pagbabasa ng kung anong magazine. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang pili

