Nagmamadaling bumalik ako sa bahay ng maalalang hindi ko nga pala naisarado ang pintuan at gate. "Mauuna na ako, mag-iingat ka sa pag-uwi." wika ko. Ngumiti lang ito sa akin sabay kindat. Loko loko talaga kahit na kailan. Paano ko ba tatanggihan ang lalaking ito. Na nagpapasaya at nagpapatawa sa akin. Simula ng namatay ang asawa ko ngayon na lang yata ako naging masaya. "Hatid na kita, babe." aniya. Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Babe, ka dyan. Magtigil ka nga dyan, Yvo." saway ko rito. "Bakit hindi ba kinain ko na yang p--" agad kong tinakpan ang bibig niya. Hindi ko akalain na ganyan siya magsalita. "Sssshhhh! Hindi lang ako sanay na may natawag sa akin ng ganyan." sagot ko. Pero, hindi nangangahulugan na hindi kita gusto. Sa katunayan nga niyan ay namiss kita at aaminin

