Pag landing ng eroplano nasa Japan na kami. Mabilis lang naman ang byahe lalo nakasakay kami sa airplane. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya ito sa maiksing panahon lamang. Sayang lang hindi ko makakasama ang anak ko pero, sa sunod babalik kami rito kasama na siya at ang kapatid niya na nasa sinapupunan ko. Nakababa na kami at sumakay ng taxi patungo sa hotel kung saan kami mag istay ng ilang araw sabi ng asawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na tawagin siyang asawa ko. Nang makarating kami sa hotel binaba niya lang ang ilang bagahe namin at sabay na kaming pumasok sa loob ng entrance ng hotel. Pati ito napabook niya rin kaya wala na talaga akong masabi sa asawa ko. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang number 3 kaya nasa 3rd floor ang room namin. Nakita ko sa hawak niyan

