YVO POV Nagising ako mula sa napakasarap na tulog. Kagabi may nangyari saaming dalawa.Kaya naman napangiti ako ng maalala ito. Napabalikwas ako ng bangon ng wala man lang akong makapa sa tabi ko. "Bullshit! Ano 'yong panaginip lang?" "Dahlia, nasaan ka??" sigaw ko hindi naman ako makatayo sapagkat hubo't hubad ako hindi ko rin makita kung saan ko nga ba naibato ang mga damit ko. Narinig ko ang ingay mula sa closet at nagmamadali akong magtungo roon. Naabutan ko siya na umiiyak. Agad ko siyang dinaluhan at tinanong. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" "May daga--" usal nito. Wala naman akong nakitang daga kaya binuhat ko na lamang siya. Pabalik ng kama at baka mag iiyak pa ito. Nang maibaba ko siya sa kama halos ayaw niyang bumitaw na sa akin. Halatang takot na takot ito sobra. "

