Akala ko naman magiging maayos na ang buhay naming mag-asawa. Nagulantang na lang kami isang araw ng dumating ang Mommy at lola nito sa aming bahay. Naka alis na sila Inay at Itay ng Manila. Hindi na kasi kaya ni Itay ang polusyon rito at lalo raw siyang mang hihina. Kasalukuyang wala rito ang asawa ko at may inaasikaso raw sa kumpanya. Ako lang ang tao sa bahay kaya hindi ko alam kung paano ko sila pakikisamahang dalawa gayong alam ko naman na ayaw nila sa akin mula noon pa. "Where is Yvo? Why did you hide it from me?" tanong ng lola nito. "Wala po dito ang asawa ko, lo--- I mean madam. Umalis ho siya at hindi pa nagbabalik mula kanina. Hindi ko ho alam ang sinasabi niyo na tinago ko ang asawa ko sainyo. Wala ho akong tinatago." sagot ko sa paratang niya sa akin na pawang wala namang k

