Hindi pa nakauwi sila Inay at Itay dahil gusto ko muna silang ipasyal dito sa mga lugar na pasyalan. Habang nasa Tagaytay kami nagkasolohan kami ng Inay na makapag usap. Marami kaming napagkwentuhang bagay bagay hanggang sa napunta kami sa topic na. "Dahleng, anak ikaw ba ay nahahakbangan mo ang iyong asawa?" tanong sa akin ni Inay. "Oho! Inay, bakit ho?" tanong ko rito. "Naku! Kaya pala iba ang ikinikilos ng iyong asawa. Aba'y mamaya buhusan mo siya ng tatlong buhos ng tabo na tubig para mabalik sayo ang paglilihi at kawawa naman ang asawa mo, anak." ani ni Inay. "Ganon ho ba Inay? Sige ho at gagawin ko din agad agad. Hindi ko naman ho alam ang ganong pamahiin, Inay.." giit ko, dahil totoo naman iyon. "Kasabihan ng mga nakakatanda iyon, at wala namang masama kung hindi natin susundin

