KABANATA 19

1630 Words
KABANATA 19 "NO PROBLEM, huwag mo ng uulitin iyon, huh? Sobra mo kong pinag-alala." gaya nga nang sinabi ni Pilgrim ay kitang-kita ni Angel ang labis na pag-aalala sa guwapong mukha nito. Hindi siya agad nakapag salita bagkus ay napatitig lang sa binata. Ngayon na lang ulit niya ito nakita nang malapitan. She really admire his haunting brown eyes na nakuha nito sa ama. Noong unang beses na makita niya ang pares ng matang iyon ay talagang namangha siya. Tila hinihigop siya ng kung ano habang nakatingin doon. Halos kapusin ng hininga si Angel noong mas lalo pang ilapit ni Pilgrim ang mukha sa kanya. Hindi siya magaling sa mathematics pero sa tantiya niya'y halos dalawang pulgada na lang ang pagitan. Mas lalo tuloy niyang napagmasdan ang itsura ng lalaki. Guwapo! "Angel, are you okay?" naramdaman na naman niyang pinisil nito ang kanyang kamay na hawak-hawak. Marahan siyang tumango. "O-oo." "Hindi ka kasi sumagot." lumayo na si Pilgrim sa kanya at nagpunta doon sa may balcony at inayos ang lamesang nandoon. "Tara, Angel. Dito ka na para maihanda ko na 'yong pagkain." Sumunod naman si Angel. Naupo lang siya sa isa sa dalawang bakenteng upuan na nandoon at hinintay na bumalik si Pilgrim. Hindi naman ito nagtagal dahil ilang minuto lang ay nandoon na at naiayos na ang mga kubyertos at pagkain. Sabay silang kumain na dalawa. Pinagsaluhan nila ang niluto ni Pilgrim na talaga namang masarap. Kahit prito lang ang ginawa nito sa bacon at hotdog ay masasabi ni Angel na tamang-tama lang ang pagkakaluto ng mga iyon. Ang omelet ay ganoon din. Eksakto ang timpla at lasa. "Ang sarap! Nabusog ako, Pilgrim!" masayang sabi ni Angel matapos humigop sa mainit na tsokolate. "Sus!" palatak nito. "OA mo naman mag react. Simpleng prito nga lang ang mga 'yan." sagot naman ni Pilgrim sa kanya. Sinimulan na nitong pagpatungin ang mga pinggan na wala ng laman. Umismid si Angel sa lalaki. "Nagsabi lang ako ng totoo, 'no! Walang OA doon." "Nabusog ka na. Wag mo na kong lokohin." muli na namang tumawa si Pilgrim bago ito uminom sa sariling kape. "Wait lang, huh? Ligpitin ko lang 'to sandali para di magulo." "Okay." matipid na sagot niya sa lalaki. Sunod ay umalis na ito bitbit ang kanilang mga pinagkainan. Siya naman ay tumayo doon sa balkonahe. Ipinatong ang mga braso doon sa may rehas at pinagmasdan ang kapaligiran. Maganda ang tanawin mula sa ika-beinte na palapag kung saan ang unit ni Pilgrim. Tanaw na tanaw mula doon ang maaliwalas na kalangitan. Ganoon din ang nagtataasang mga gusali at ilang mga tao na tila langgam sa liit ang naglalakad sa ibaba. "Oh, para mas lalo mong makita ang tanawin." sabay abot ni Pilgrim ng salamin niya sa mata. "Nakuha ko 'yan sa bag mo kagabi. Naka-contacts ka pala. Hirap na hirap akong dukutin sa mata mo 'yon kagabi." "Ikaw talaga nag-alis?" inabot niya iyon at isinuot. Tumabi si Pilgrim sa kanya. Pero hindi katulad niya'y sumandal ito sa rehas. Nakatalikod sa tanawin na pinagmamasdan niya at sa kanya lang nakaharap. "Oo. Kung di ko aalisin, eh, baka mabulag ka!" Napakapit nang mahigpit si Angel sa rehas. Kanina niya pa gustong itanong kay Pilgrim ang ilang mga bagay. "Ikaw ba ang nag-alis ng n****e tape ko?" pakiramdam ni Angel ay umakyat lahat ng dugo niya papunta sa kanyang mukha. Pinagpawisan din siya nang malala. "Oo" matipid at kaswal na pag-amin ni Pilgrim sa tanong niyang iyon. Humarap si Angel sa lalaki. "Bakit mo ginawa iyon? Eh, di nakita mo na 'yong buong katawan ko? Dahil for sure ikaw lang din naman ang nag hubad at nagpalit ng damit na ito sa akin." "Oo." muli na naman na pag-amin ng lalaki. "Gosh!" usal ni Angel. Hindi pa din niya maiwasan ang hindi magulat at makaramdam ng hiya kahit expected niya ng si Pilgrim iyon. Iba pa din pala pag lumabas mismo sa bibig ng lalaki na ang kompirmasyon. "Anong gusto mo? Si Jethro utusan ko na magpalit ng damit sa 'yo? Basang-basa ka ng pawis. Saka isa pa, Angel." bahagya itong nag-alangan. "Ano. Ano. Di ba? Pumayag na ako." "Pumayag ka saan?" nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. "Wala ka nga talagang naalala sa mga nangyari kagabi." he paused. "Listen carefully, after mong mainom 'yong cocktail na may party drugs. Kinuha kita, inilabas sa bar na pag-aari ako. Sinagip sa mga iyon na balak kang pagsamantalahan. Sobrang kulit mo pa." "Sobrang kulit ko?" itinuro pa ni Angel ang sarili. "Oo. You want to go back inside. Gusto mong mawala ang virginity mo para makalaya ka kamo sa sumpa ng angkan niyo na sinasabi mo." pagkukuwento ni Pilgrim. "I told you na tayo na lang. Na willing na ako." Nagulat siya sa tinuran nito. Halos manlaki ang mga mata ni Angel sa narinig. Kaagad siyang napaharap sa binata at hinawakan ito sa magkabilang braso. "Pilgrim!" "Oh?" walang ganang sabi nito. "Totoo talaga? Totoong pumapayag ka na?" hindi makapaniwalang sabi niya. Halo-halo ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Saya, kaba, excitement at kung anu-ano pa. "I will guide you. Don't worry." pagkasabing iyon ng binata ay naglakad na ito papasok sa loob at iniwan siya. Sinundan lang niya ng tingin ang matipuno nitong likuran na papalayo. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang saya niya! **** BAGO magpahatid ay inayos muna ni Angel ang sarili. Pumunta siya sa banyo at hinubad ang suot na malaking t-shirt na pag-aari ni Pilgrim ganoon din ang nag-iisang underwear na suot. Sunod ay nagpunta siya sa bathtub upang makapag linis ng kanyang katawan. Ang una niyang binasa ay ang kanyang ulo. Nilagyan niya ng shampoo at kinuskos ng mabuti. Sobrang tigas ng kanyang buhok nang dahil sa spray net, kaya naman hinayaan lang niya iyon. Sinunod niya ang katawan na linisin. Kasalukuyan na siyang nagbabanlaw noong marinig ang ilang mahihinang pagkatok. Pinatay niya ang shower para marinig ang balak sabihin ni Pilgrim. "I will open the door. Ilalagay ko itong tuwalya, toothbrush, damit at disposable underwear na binile ko sa baba." turan ng binata na nasa may labas. "Sige. Tapos na ko, Pilgrim." sagot naman ni Angel. Wala na siyang nakuha na response mula sa lalaki. Tanging narinig na lang niya ang pag pihit ng doorknob at tunog ng bumukas na pinto. Narinig din niya ang pagtikhim ni Pilgrim mula sa kabila ng manipis na shower curtain na tanging harang sa pagitan nila. Tinignan lang ni Angel ang binata. Base sa anino nito ay inilapag ng lalaki sa ibabaw ng nakatakip na toilet bowl ang mga dala-dala, matapos ay nanatili lang itong nakatayo doon at nakatingin sa gawi niya. Ilang segundo na nakatayo doon si Pilgrim. Hindi niya alam kung bakit? She don't have any idea. Maybe if she can see his face ay magkakaroon siya ng hint kahit papaano. Gusto niyang hawiin nang kaunti ang kurtina at sumilip upang makita si Pilgrim, pero bago pa man gawin ang bagay na naiisip ay naglakad na ang binata papalapit sa kanya. "Angel." malalim na wika nito. Ramdam niya ang mabigat na paghinga ng binata. Dahan-dahan na umangat ang isang kamay ni Pilgrim sa ere at dumako iyon sa dulong bahagi ng kurtina. Bigla ay sumalsal ang dibdib ni Angel. Lumakas ang kabog niyon at tila nahirapan siya sa bawat paghinga. Nakaramdam siya ng tension at nabalisa. Lalo na noong mayroong kung anong pumasok sa isang bahagi ng kanyang isipan. Napalunok siya. Sinubukan niya na magsalita ngunit tila hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Tila nanuyo din ang lalamunan niya. Sari-saring mga bagay ang naisip ni Angel. Una na doon ay kung paano ang magiging reaksyon pag nahawi na ni Pilgrim ang kurtina. Magugulat ba siya? Pero hindi. Imbes ay excitement ang lumukod sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan. Ganoon pa man ay nakita niyang binitiwan ni Pilgrim ang dulo ng kurtina. Walang sabi na naglakad ito palayo at lumabas na. Napabuga naman nang marahas si Angel. Sapo ang kanyang dibdib ay sumandal siya doon sa pader. May ilang minuto siyang ganoon bago nagsimulang kuhanin ang mga dinala ni Pilgrim. Eksaktong-eksatong ang bra sa kanya ganoon din ang underwear. Parang alam na alam ng lalaki ang kanyang sukat. Hindi na din siya nagtaka pa dahil nakita na nito ang katawan niya. Well, sa dami ba naman ng babaeng na kasama at nai-kama ay expert na ito sa pagtingin pa lang. Sunod niyang isinuot ang isang jersey short na kulay itim at isang plain white shirt na tama lang ang sukat sa kanya. Hindi na malaki kumpara sa kaninang suot. Marahil ay kinaliitan na ito ng binata at hindi na masuot. Nang matapos makapag-ayos ay lumabas na siya at tumungo sa sala upang yayain na si Pilgrim na ihatid siya. Naabutan niya ang lalaki na nakahilata doon sa sofa at nanunuod sa telebisyon. Inilipat-ilipat nito ang mga channel at mukhang naghahanap ng maayos na palabas noong mapasadahan ang isang noon time show. "Ibalik mo doon!" sigaw niya at mabilis na naupo doon sa tabi ng lalaki. "Saan?" takang tanong nito. "Sa Eat Bulaga!" mabilis na sagot niya pa. "Ayoko nga!" "Kalye serye na! Sige na please? Gusto ko mapanuod sina Yaya Dub at Alden." "Huwag na! Ang korni naman ng dalawang iyon." "Anong korni? Nakakakilig kaya sila!" "Hindi kaya!" kaagad niyang inagaw sa binata ang remote control at inilagay sa istasyon nang nasabing programa. "Tignan mo! Ang pogi ni Alden!" kinikilig na sabi pa ni Angel noong matapatan ng kamera ang lalaki. "Mas pogi pa ko diyan!" masungit na sabi ni Pilgrim. As usual, salubong na naman ang dalawa nitong kilay. Hindi naman niya na pinansin ang lalaki at hinayaan lang na magreklamo nang magreklamo doon. Mayamaya pa'y pasimple niya itong sinipat at nakitang napapangiti na din sa pinapanuod. Hay, Pilgrim! Oo na, mas guwapo ka na kay Alden!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD