Kabanata 1

1651 Words
KABANATA 1 YEAR 2018 Tahimik na nag-aaral si Katleya sa ilalim ng isang mahogany tree sa garden nila sa Montenegro University. Ito ang kanyang paboritong tambayan dahil isa ito sa pinakamagandang lugar doon sa unibersidad. Marami kasing mga magagandang bulaklak na nakapalibot. Nandiyan na ang iba't ibang kulay ng rosas, daisy na sabay na sumasayaw tuwing may malakas na hangin, at sunflower na ginawang outline sa buong laki ng garden, nagmistula itong pader na napakagandang tingnan. Habang inaaral ni Katleya ang bawat detalye ng paksang tatalakayin mamaya sa kanilang klase, napatigil ito sa ginagawa niya nang dumating si Redrigo McArthur X. Montenegro, ang isa sa anak ng may ari ng Montenegro University. Binigyan niya ito nang malapad na ngiti ngunit bigo siyang pansinin nito. Si Redrigo McArthur X. Montenegro, isang supladong binata ngunit mayroong taglay na kaguwapuhan na kayang nakawin ang puso ng kababaihan sa isang kindat lang. Isa na sa listahan doon si Katleya. Matagal na niyang gusto ang binata ngunit wala itong interes sa kanya kahit isa siya sa pinakamagandang estudyante sa unibersidad nila. Nasanay na rin siya roon dahil sinanay siya nito na hindi siya mahalaga. Umupo si Red sa harapan ng puno kung saan nakaupo si Katleya kaya ngayon ay magkaharap na silang dalawa. Nawala ang atensyon ni Katleya sa librong hinahawakan at nakatuon lang ito sa nagbabasang binata na nasa harapan niya. Hindi niya namang mapigilang mapangiti nang makita ang librong binabasa nito, ito ay isang banal na bibliya. Mas lalo siyang namangha sa binata dahil sa natuklasan niya. Napatingin si Red sa kanya kaya agad siyang napayuko. Nahihiya siyang mahuli na palihim na nakatingin dito. "Pssst. Ayusin mo ang upo mo, nakikita ko ang underwear mo," maginoong batid ni Red. Agad nag-ayos ng upo si Katleya. "Sorry." "Magpasalamat ka at hindi ako katulad ng iba. You're pretty, mag-ingat ka sa susunod," wika ni Red sabay tayo. Nang makatayo ito, aksidente niyang nahulog ang bibliyang hawak. Nanlaki ang mga mata ni Katleya sabay takip sa kanyang bunganga. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang loob pala ng bibliyang binabasa ng binatang nagpapatibok sa puso niya ay isang puting libro na pamilyar sa kanya. Ito ay published book ni Cecelib na Possessive Series. Agad pinulot ni Red ang libro at makikita mo sa mukha niya ang pamumula. Hindi namang mapigilang tumawa ni Katleya dahil sa reaksyon nito. "Psst! Huwag mo akong husgahan. Huwag mong ipagkalat ang nakita mo ha?" nahihiyang sabi ni Red. Hindi makasagot si Katleya dahil tawa lang ito nang tawa. Ang buong akala niya ay isang relehiyoso ito dahil sa pagbabasa ng bibliya, pero ginawa lang pala nitong pantakip sa librong totoong binabasa niya. Lumapit si Red kay Katleya. "Psst! Tama na, nahihiya tuloy ako. Curious lang kasi ako. Sikat kasi ito kaya binili ko. Pero marami pa lang bed scenes. Kung alam ko lang? Hindi ko talaga bibilhin," paliwanag nito. "You don't need to explain. It's normal," natatawang sabi ni Katleya. "Hindi ah. Pero dahil nasimulan ko na. Tatapusin ko na lang," pagsisinungaling nito. "Anong book ka na?" tanong ni Katleya. "6. Dark Montero," pahiyang sagot ni Red. Natawa si Katleya. "Tinapos lang pala ha?" "Hinuhusgahan mo ako, noh?" tanong ni Red. Ngumuso pa ito ngayon. "Hindi nga," natatawang sagot ni Katleya. "Bakit ka tumatawa nang ganyan?" "Denial ka kasi." Nagpunas muna si Red ng pawis dahil sa kahihiyan. Nahihiya siya dahil natuklasan ni Katleya ang librong lihim niyang binabasa. Napakamot siya sa kanyang ulo dahil naiinis na siya sa tawa ni Katleya. "Mauna na ako." Aalis na sana siya, pero bumalik na naman ito. Hindi kasi siya mapakali. "Psst. Huwag mong ipagkalat ha? Promise, nagbabasa lang ako nang ganito, pero virgin pa ako. Hindi ako katulad ng kambal kong si Blue. Kilala mo naman iyon, 'di ba? Dahil viral iyong video scandal niya?" "Okay. Promise," sagot ni Katleya. "Thank you. Bye." Habang paalis si Red, napatalon-talon sa kilig si Katleya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na pinansin siya ng lalaking gusto niya. Kinurot niya ang pisngi niya para siguraduhin na hindi siya nanaginip. At noong nakaramdam siya ng sakit, napasigaw siya sa sobrang saya. "Yes! I am fated with Redrigo McArthur X. Montenegro!" sigaw niya. "Amen," sambit ng isang lalaki. "God? Ikaw ba 'yan?" gulat na tanong ni Katleya habang iginiya ang tingin sa paligid. "Oo. Ako si God. God na may video scandal," anang lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin makita ni Katleya. "Hoy! Sino ka? Bastos!" singhal ni Katleya. Bigla ba namang may tumalon na lalaki mula sa itaas ng puno at bumungad sa harapan niya. "Wahhhh! Gulat ka noh?" anito. "Ano ba! Tinakot mo ako," reklamo ni Katleya sabay hawak sa dibdib niya. Kinabahan kasi talaga siya. "Sa guwapo kong ito? Natatakot ka? E, magkaparehas lang kami ng mukha ng kambal ko. Mabait nga lang siya at ako, alam mo na, magaling sa kama. Ah. Ah. Ah!" proud na sabi ni Pierce Blue, ang kambal ni Red. "Yuck! Magkaiba nga kayo ng ugali ng kakambal mo." "Bakit? Kailangan ba magkaparehas kami ng ugali? Ang boring kaya maging mabait. Hindi naman totally mabait iyong kambal ko. Lagi nga niya akong binabatukan. Muntikan pa nga akong mamatay. Kumakain kasi ako ng polboron noon. Hayop, 'di ba? At nakita mo iyong ginawa niya sa bibliya namin? Ginawang panakip sa kalibugan niya. Mas bad iyon. Minus point siya sa langit." "Sinisiraan mo ang kambal mo. Mas bad iyon," giit ni Katleya. Hindi siya papayag na pagsabihan nang ganoon ang lalaking gusto niya. "Anong sinisiraan? Sinasabi ko lang ang ginawa niya na nakita ng mga mata ko at ng mga mata mo. Siya nga kanina ay ibinida pa ang s*x scandal ko sa iyo. Mas bad iyon! Huwag mo siyang tularan. Pero matanong lang, nakita mo na ba ang s*x scandal ko?" tanong ni Blue. "Wala akong balak. Ew!" irap na sagot nito. "Tss! Panoorin mo. Matatawa ka roon, nag twirk doon si Teressa habang hinahampas ko ang p*wet niya." Hindi mapigilang matawa ni Katleya dahil sa sinabi ni Blue. Para kasi itong bata na proud sa ikinuwento. "Iyang tawang iyan. Hmm, nakita mo na, noh?" "Oo, na. At ang laswa niyong magkasintahan. Kadiri ka. Dapat nga suspended ka na o hindi kaya kick out." "Sorry. But hindi 'yan mangyayari. Dahil amin itong school," natatawa nitong sabi. "Pero wala ng kami ni Teressa ha? Iniwan niya na ako. She went abroad, nahihiya kasi siya. Kung hindi niya nawala iyong phone niya at hindi iyon kumalat? Baka kami pa ngayon. Sa palagay mo?" tanong nito habang nag-iisip pa. "Ewan ko. Wala akong idea. Hindi ako manghuhula," giit ni Katleya. Tumawa si Blue. "Tama pala, noh? Ang tanga ko. Anyway, I know you. Ikaw iyong Ms. MU. Ang galing mong sumayaw ng swalla noon, ha? Natigasan ako ng mga panahong iyon. Hinimas ko ito sabay sabing, sanaol floor." "Bastos mo talaga. Pero it's okay, open-minded naman ako." "That's good. Oh, siya? Sabay na tayo pabalik sa mga classrooms natin," pag-aya ni Blue. "Okay." Pabalik na ngayon silang dalawa sa mga classrooms nila. Habang naglalakad silang dalawa, hindi napigilan ni Katleya na magtanong tungkol sa kambal ni Blue na si Red. "Iyong kapatid kong si Pula, matakaw iyon. Napakasuplado pa! Pero mabait siyang anak sa magulang namin at masamang kapatid sa akin. Madalang ko lang iyon makakausap kasi minsan lang sumasagot sa mga tanong ko. Joke." Tumawa ito. "Pero ito ang totoo, maarte iyon. Mahilig din siya sa libro, lalo na iyong mga rated spg. Pero totoo iyong sinabi niya kanina. He's virgin. NGSB kasi." "As in? As in wala pa talaga siyang naging girlfriend? Sa guwapo niyang taglay?" "Oo nga! Bingi ka ba? NGSB nga, 'di ba? Pero mas guwapo pa ako roon, ha? Lumapit ka sa akin may ibubulong ako." Napahinto si Katleya at lumapit sa kanya. "Ano?" tanong nito. Bakas sa tono ng boses nito na guso niyang malaman ang sasabihin ng binata. "May nunal sa t*ti ang kambal ko," mahinang sabi ni Blue na nagpahalakhak kay Katleya. "Pero nakakainis lang kasi mas malaki iyong sa kanya kaysa sa akin. Dapat parehas lang, hindi ba? Kasi kambal kami. Tss! Ang unfair!" Namumula ang pisngi ni Katleya sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya tungkol sa lalaking gusto niya. Natutuwa rin siya sa kausap niya dahil walang preno ang bibig. Parang sirang sasakyan na hinahbatay na lang ang pagbunggo. "Nakatutuwa ka," pagpuri ni Katleya. "Alam ko. Guwapo rin, hindi ba?" kagat-labing sabi ni Blue. Napahinto ito sa paglalakad. "Grey! Green!" pagtawag nito nang makita ang mga kaibigan niya. Kinurot niya ang pisngi ni Katleya. "Bye, miss M.U. Mauna na ako, see you again." ••• "Blue," sambit ni Zyrille Grey. "May goodnews kami ni Grey," masayang sabi ni Jeygreen Xris. "Talaga? Chix ba 'yan? Sexy? Makinis? Malaki ang dibdib?" kagat-labing tanong ni Blue. "Oo, si Selena. Iyong cheerleader," nakangiting sagot ni Grey. Napahawak si Blue sa kanyang p*********i. "Grabe. Pangalan pa lang, uminit na ang tumbong ko. Kailan? Ngayon na ba? Ano? Cutting tayo?" "Baliw! Mamayang gabi pa. Doon tayo sa bar namin," anang Green. "Tss! Huwag na sa inyo. Isusumbong na naman ako ng Daddy mong parang pusa ang mata sa magulang ko. Lagot na naman ako nito," pagrereklamo ni Blue. "Saan pala ang gusto mo?" tanong ni Grey. Napangiti si Blue. "Alam ko na." "Saan?" tanong ni Green. "Saan ba pine-perform ang cheerdance?" pagpapahula ni Blue. "Sa school gym?!" sigaw ng dalawa. Naghigh-five pa ang mga ito. Tinapik niya ang dalawa. "Nope. At this moment, I want to experience outdoor s*x. So I decided, we will having our s*x with Selena at the greeny field." "W-what!?" magkasabay na sigaw ng dalawa. "What niyo mukha niyo." Ang lapad na ng ngiti ni Blue ngayon, mukhang excited na talaga siya sa gagawin nila mamaya. Gutom na siya ng babaeng handang ibigay ang kaluluwa. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD